Connect with us

Entertainment

Zsa Zsa Padilla, Isinapubliko ang Pagbubukas ng Casa Esperanza ang Kanilang Napalaki at Napakalawak na Modern Rustic Farmhouse na Matatagpuan sa Lucban, Quezon

Summer na summer na nga, at ramdam na ramdam na ito sa init na hatid ng panahon. At kapag summer, ay talagang hanap ng marami ang isang masarap bakasyon. Isang bakasyon kung saan makakapag-relax at makakapag-enjoy kasama ang mga mahal sa buhay.

Kung masaya at masarap na bakasyon nga, ay tiyak na hanap rin ng marami ang magagandang tanawin na hatid ng kapaligiran, at sariwang hangin. At ito ay matatagpuan lamang sa mga probinsya na taglay ang ganda at kahanga-hangang tanawin.

Photo credits: Zhazha Padilla | Youtube

Kaya naman, ang aktres at singer na si Zsa Zsa Padilla, ay isinapubliko na rin ang pagbubukas ng kanilang napakalawak at napakagandang modern rustic Farmhouse na matatagpuan sa Piis, Lucban sa probinsya ng Quezon. Tiyak na pasok sa panlasa ng mga bakasyunista at turista ang angking ganda ng kanilang farmhouse na Casa Esperanza.

Espesyal nga ang pangalang ibinigay ni Zsa Zsa at ng partner niyang si Conrad Onglao, na siyang nagbigay rin ng disenyo sa kanilang farm house na modern rustic. Ang kahulugan nga ng Spanish word na “Esperanza” ay hope o pag-asa. Ang nasabing pangalan rin ay hango sa tunay na pangalan ni Zsa Zsa.

Photo credits: Zhazha Padilla | Youtube

Photo credits: Zhazha Padilla | Youtube

Photo credits: Zhazha Padilla | Youtube

Tunay naman na mararamdaman ang masayang bakasyon at makakamit ang hinahanap na pagrerelax, dahil talagang probinsya feels ang hatid ng Casa Esperanza. Ngunit, sa kabila nito ay masisilayan naman ang mga modernong pasilidad. Bukod rito ay mabubusog rin ang mga mata sa magandang tanawin sa farm house tulad na lamang nga ng water swimming pool, mga casita, pavilion at ang kanilang pond na napapalibutan ng mga magaganda at luntiang bulaklak.

Photo credits: Zhazha Padilla | Youtube

Nito lamang ika-14 ng Marso nang masayang ianunsiyo ni Zsa Zsa sa kanyang Instagram ang pagbubukas ng kanilang farm house sa mga nais magbakasyon. Saad pa nga ng singer-actress, ay magbibigay sila ng discount sa unang tatlong taong magpapabook.

Photo credits: Zhazha Padilla | Youtube

“Hi! Happy to announce that we are available for reservations!!!! We are listed on Airbnb. We are offering a special discount for first three bookings! See you! Thank you so much @niceprintphoto @version.ph”

Photo credits: Zhazha Padilla | Youtube

Nilakipan naman ito ng singer-actress ng mga larawan na kuha sa kanilang farmhouse kung saan masisilayan ang napakagandang tanawin nito. Sa larawan pa lamang nga, ay sadyang kaakit-akit nang magtungo at magbakasyon rito.

Photo credits: Zhazha Padilla | Youtube

Matatandaan naman na minsan nang ibinahagi ni Conrad sa isang vlog ni Zsa Zsa na ang 2 hectares nilang farmhouse ay may disenyo ng napakagandang modern rustic architectural design.

“The architectural design is modern rustic farm house. Rustic because we used recycled yakal wood. Modern wood be the glass walls and roofing. The roofing is pre-formed batten type long span inspired by the black roofing from New Zealand. Our decorating appointments accessories and artifacts and mostly Asian items collected through the years.”

error: Content is protected !!