Connect with us

Entertainment

Zsa Zsa Padilla, Ipinasilip ang Napakaganda at Napakalawak na Dolphyville Estates na Humigit Kumulang 40 Hectares sa Batangas na Pagtatayuan ng Museyo ng Yumaong Comedy King na si Dolphy

Maraming mahuhusay na komedyante sa industriya ng showbiz ang talaga namang nagbigay ng tuwa at saya sa mga manonood. Isa nga sa mga komedyanteng ito ay si Rodolfo Quizon o mas kilala sa tawag ng lahat bilang si Dolphy. At dahil sa kanyang husay sa pagpapatawa bilang komedyante ay binansagan siyang “Hari ng Komedya” o “King of Comedy”. Ang kanyang sa pagiging isang mahusay na komedyante ay pinatunayan niya sa mga pelikula at palabas na kanyang ginawa magmula taong 1945 hanggang 2012.

Photo credits: google.com

Sa kanyang pamamaalam sa industriya ng showbiz at maging sa kanyang mga kaibigan at mga mahal sa buhay noong 2012, ay nananatili parin ang magandang imahe na kanyang iniwan bilang isang mabuting tao. At para naman sa kanyang mga tagahanga, ang kanyang mga alaala ay hindi kailanman mawawala sa kanilang mga puso’t isipan.

Dahil nga sa kanyang pagiging isang mahusay na komedyante sa loob ng mahabang panahon sa mundo ng showbiz, ay isang museo ang itatayo para kay Dolphy upang gunitain ang kanyang mga alaala. Ito ang Dolphyville Estates na matatagpuan sa Talisay, Calatagan sa Batangas.

At kamakaialan lamang nga, sa latest vlog ng dating asawa at tinaguriang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla, ay kanyang ipinasilip ang napakaganda at napakalawak na Dolphyville Estates kung saan itatayo ang museo ng yumao niyang asawa at mahusay na komedyante na si Dolphy.

Photo credits: zsazsapadilla | IG

Makikita na kasama ni Zsa Zsa sa kanyang video, ang dalawang anak ni Dolphy na si Epy Quizon at Zia na anak niya sa dating asawa. Sa nasabing video ay nilibot nila ang kabuuang hitsura at malawak na lugar na ayon kay Zsa Zsa ay nabili nila noong magkarelasyon pa lamang sila ni Dolphy. Pagbabahagi nga ni Zsa Zsa, ang halaga nito ngayon ay malayong-malayo na sa halaga ng pagkakabili nila noon.

“Tapos naalala ko ‘yung amount kasi sobrang layo na kung ano ‘yung worth niya ngayon. Nandito tayo ngayon sa site kung saan itatayo ‘yung kanyang museum.”

Photo credits: zsazsapadilla | IG

May nakakalulang lawak at laki naman ang Dolphyville Estates na may sukat na 14 hectares. At dito nga itatayo ang Dolphyville Manor, isang resort type hotel na animo’y isang museum sa laki at ganda. Ang museum na ito ay itatayo para sa yumaong komedyante upang magsilbing alaala ni Dolphy magmula nang sumikat ito sa showbiz. Ayon kay Zsa Zsa, ay dati umano itong mango farm ng mga Quizon na ginawang residential property.

“We will call it the Dolphyville Manor. The whole estate is about 14 hectares. This used to be the Quizon’s family Mango farm and then they converted into residential property.”

“It’s a residential complex also eventually, hopefully na kukuha rin kami ng residential. And will have like parang Sunday market, that’s the dream.”

Photo credits: zsazsapadilla | IG

Photo credits: zsazsapadilla | IG

Photo credits: zsazsapadilla | IG

Sa ngayon ay 90% na umano ang progress at natatapos sa ipinapagawang Dophyville. Nagbigay rin sila ng impormasyon sa publiko na maaari ring makabili ng lupa ang sinuman rito. Samantala, maliban naman sa residential complex, ay may commercial lots rin dito na maaaring bilhin ng mga nais manirahan sa Batangas.

Photo credits: zsazsapadilla | IG

Samantala, pagdating naman sa pagpapangalan sa bawat kalye ng Dolphyville, ay plano nina Epy na pangalan ng mga anak ni Dolphy ang ilagay na nauwi sa malakas nilang tawanan. Ngunit, sa huli ay binigyang linaw ni Epy na nais nilang magkakapatid na ang ipangalan sa bawat kalye ay hango sa mga naging karakter ni Dolphy sa mga pelikula at TV shows nito noon.

“Ang gusto naming magkakapatid mga characters ni daddy (sa pelikula at TV show), like may Quizon Avenue, John Boulevard, Puruntong Street, Omeng Way, but of course the main road is we want the name of daddy, Dolphy Street.”

error: Content is protected !!