Connect with us

Showbiz

Zsa Zsa Padilla, Ipinasilip ang Masayang Bonding Moments Nila ng Kanyang mga Anak na sina Karylle, Zia, at Coco sa Casa Esperanza sa Lucban, Quezon

Dahil sa pandemya, ay matagal na hindi nagkaroon ng bonding moments ang singer na si Zsa Zsa Padilla at mga anak nitong sina Karylle, Coco at Zia. Kaya naman, nang magkaroon ng pagkakataong magkasama, ay hindi na ito pinalampas ng singer at ng kanyang mga anak.

Si Zsa Zsa at kanyang tatlong anak, ay may kanya-kanya nang buhay kung saan ay nakatira na rin sa sarili nilang mga bahay. Kaya bihira lamang silang magkita at magkasama. At sa pagkakataon ngang ito, ay talagang sinulit nila ang bawat sandali na sila’y magkasama.

Photo Credits: Youtube.com | Zsa Zsa Padilla

Noong nakaraang Pebrero 25, ay ipinasilip ni Zsa Zsa sa kanyang vlog na mapapanood sa kanyang Youtube Channel ang masayang bonding nilang mag-iina sa Casa Esperanza na matatagpuan sa Lucban, Quezon. Labis na ipinagmamalaki ni Zsa Zsa, ang nasabing property dahil sa taglay nitong ganda, at sa makikitang iba’t ibang klase ng halaman, gulay at hayop dito.

Photo Credits: Youtube.com | Zsa Zsa Padilla

Photo Credits: Youtube.com | Zsa Zsa Padilla

Photo Credits: Youtube.com | Zsa Zsa Padilla

Makikita sa unang bahagi ng video, na unang nagbonding ang mag-inang Zsa Zsa at Zia, na magkasamang binisita ang mga alagang hayop sa farm house. Matapos nito ay tinuruan naman ni Zsa Zsa si Zia na mamingwit ng Tilapia sa kanilang fish pond. Maliban rito, ay tinuruan rin ng singer ang anak ng recipe ng Tilapia na ipinagmamalaki ng Quezon at sariling version ng empanada na mula naman sa Ilocos. Samahan pa nga ito ng dessert na buko at saging.

Photo Credits: Youtube.com | Zsa Zsa Padilla

Makikita nga na enjoy na enjoy at sarap na sarap ang mag-ina sa kanilang nilutong pagkain. Mas lalo namang nag-enjoy ang mag-ina sa kanilang bonding dahil sa sariwang simoy ng hangin at magandang tanawin na kanilang makikita sa kapaligiran.

Makikita rin ang masayang bonding sa swimming pool ng mag-inang Zsa Zsa at Zia, ngunit sa pagkakataong ito, ay kasama na nila sina Karylle at Coco. Bago naman nila damhin ang sarap ng malamig na tubig sa pool, ay gumawa muna ng smothie ang mag-inang Zsa Zsa at Zia mula sa durian at strawberry na pinasarap naman ng gatas ng kalabaw at gatas ng baka.

Photo Credits: Youtube.com | Zsa Zsa Padilla

Hindi naman maikakaila na masayang-masaya ang mag-iina sa kanilang bonding moments sa Casa Esperanza. At ang masayang alaala na kanilang binuo ng magkasama, ay tiyak na hindi nila makakalimutan.

Photo Credits: Youtube.com | Zsa Zsa Padilla

Ayon nga kay Zsa Zsa,“I’m pretty blessed to have my daughters in my life. The new memories we make with our loved ones may be fewer because of pandemic, but they are definitely much sweeter.”

 

error: Content is protected !!