Connect with us

Entertainment

Zoren Legaspi at Carmina Villarroel Ipinasilip ang kanilang Napakagandang Bahay sa Siyudad ng Pasig

Published

on

Bukod sa madalas natin nakikita ang magasawang Zoren Legaspi at Carmina Villaroel at ang kanilang kambal na anak na si Cassy and Mavy sa mga TV shows at commercial, pwede na din natin sila makita sa may Pasig City kung saan sila nakatira. Ayon kay Zoren, gusto nilang makita ng mga tao kung gaano kaganda at kasaya manirahan sa kanilang tahanan. Dagdag pa nya na may halong saya at kakulitan ang pagsasama nilang buong pamilya na parang magkaibigan lang sila kung magturingan.



Sinabi naman ni Zoren sa isang interview nya sa Yes Magazine na ang kagandahan ng bahay nya ay hindi lang dahil sa natural na talaga nitong ganda kundi dahil na din sa kasiyahan na dulot ng nakatira dito. Ipinaalala din ni Zoren sa kanyang kambal na anak na hindi magiging tahanan ang isang bahay kung wala naman silang komunikasyon sa isat isa. Masaya ang isang tahanan depende sa pakikitungo mo sa kapwa mo at ayon kay Carmina ang gusto lang din nito ay magkaroon ng masayang pamilya.

Ang pagiging masaya ng pagsasama ng pamilya ni Zoren at Carmina ay nagrereflect naman sa kanilang tahanan. Talaga namang mapakaganda at kaakit kaakit ang disenyo ng loob ng bahay nila Zoren at Carmina pero hindi sila huminge ng tulong sa isang interior designer. Halos lahat ng disenyo sa bahay nila Zoren at Carmina ay base sa mga magazines at libro na kinokolekta ni Carmina kaya naman parang home journal ang naging hitsura nito.

RECEIVING AREA

Ang receiving area nila ay may dalawang set ng sopa na may neutral na kulay. Ang isang set ng sopa ay nasa malapit sa hagdan at ang isa naman ay sa may pintuan kasama ng kanilang hammock na sopa at may kapares itong kulay itim na center table.

DEN

Mayroon din silang den na nagsisilbing entertainment area nila. Ang den nila na ito ay medyo madilim pero maganda naman kapag nanunood sila nga nga pelikula at puno din ito ng nga sopa na kulay gray ay orange.

MAVY’S BEDROOM

Ang kwarto naman ni Mavy ay kulay green at yellow ang dingding na tipical na kulay ng kwarto ng batang lalaki. Ang kanyang higaan ay nasa tabi ng bintana at may katabi itong computer table. Meron din itong shelves na kung saan dito nakalagay ang kanyang mga cd at laruan.



CASSY’S BEDROOM

Halos kapareho ng kwarto ni Mavy ang kwarto ni Cassy dahil pareho lang ang position ng kama nito na may computer table at shelves. Ang tanging pinagkaiba lang ay ito ay kulay pink at yellow at puno ng teddy bear at stuff toys.

MASTER BEDROOM

Simple lang ang kwarto nila Zoren at Carmina pero malaki ito at medyo madilin ang kulay ng kanilang sahig. King-sized ang kanilang higaan na may katapat na malaking TV.

ATTIC



Ang atic naman ng kanilang bahay ay ginawa nila Zoren at Carmina na lalagyan ng kanilang mga damit, sapatos at mga bags.

GARDEN

Bukod sa den nila Zoren at Carmina mayroon din silang garden kung saan pwede silang magbonding buong pamilya or magkaroon ng kunting kwentuhan.

Sa kasamaang palad, iniwan din nila Zoren at Carmina itong bahay nila pagkatapos itong masira ng bagyong Ondoy.

error: Content is protected !!