Connect with us

Entertainment

Zia Dantes, Nagpakita ng Husay at Galing sa Naging Masayang Pottery Bonding Nila ng Kanyang Mommy na Si Marian Rivera

Isa sa mga hinahangaan na aktres sa industriya ng showbiz si Marian Rivera, hindi lang dahil sa kanyang angking husay sa pag-arte kundi dahil na din sa kanyang taglay na kahanga-hangang ganda at taglagy na kaseksihan.

Photo credits: Marian Rivera| IG

Ngunit maliban nga sa mga hinahangaan nga na katangian na ito ni Marian ay marami din ang iniidolo siya dahil sa kanyang pagiging isang hands-on mommy sa kanyang mga anak at pagiging mapagmahal na asawa sa mister niyang si Dingdong Dantes, sa kabila nga ng kanyang pagiging abala sa kanyang karera.

Photo credits: Marian Rivera| IG

Sina Marian at Dingdong ay isa sa mga mag-asawa sa mundo ng showbiz na nagbibigay inspirasyon sa maraming couple tulad nila, ito ay dahil nga sa pagkakaroon nila ng isang matatag, masaya at puno ng pagmamahal na pagsasama. Siyempre hindi mawawala na magbigay kasiyahan sa buhay nilang mag-asawa ang kanilang mga anak. Sa kasalukuyan nga ay mayroon ng dalawang anak sina Marian at Dingdong, ito ay sina Zia at Ziggy.

Photo credits: Marian Rivera| IG

Matatandaan na ikinasal ang mag-asawang Marian at Dingdong noong ika-30 ng Disyembre taong 2014, at matapos nga nito ay kaagad din silang nabiyayaan ng mga anak na talaga namang nagmana sa kanila ng kagandahan at kagwapuhan.

Tulad na nga lamang ng panganay na anak nilang mag-asawa na si Zia, kung saan ngayon nga na ito ay lumalaki na ay kitang-kita nga na ito ay kasing ganda ng kanyang ina. Maliban pa sa taglay na ganda ni Zia Dantes, ay marami rin nga itong mga talento na ikinaka-proud naman ng kanyang mga magulang.

Photo credits: Marian Rivera| IG

Halimbawa na lamang nito ay ipinakita ni Zia na kanyang galing sa pottery, kung saan ay napabilib nga niya ang kanyang mommy na si Marian.
Nito lamang ngang ika-2 ng Abril ay ibinahagi ng 37-taong gulang na celebrity mom sa kanyang Instagram account ang mga adorable photo nila ng kanyang anak na si Zia na kuha sa naging bonding moment nila ng sila ay dumalo sa isang pottery workshop. Ang naturang pottery studio nga na ito na binisita ng mag-inang Marian at Zia ay ang Wabi Sabi studio, isang local pottery studio na matatagpuan sa San Juan.

Photo credits: Marian Rivera| IG

Makikita sa mga ibinahaging larawan ni Marian ang kasiyahan at pag-e-enjoy nilang mag-ina sa mga nalikha nilang ceramic ware. Sa ganda ng mga gawa nilang ito, kahit sino naman talaga ang mapapabilib, lalo na nga ang mga nalikha ni Zia.
Hindi naman napigilan ng celebrity mom na maging proud sa kanyang anak na si Zia, habang ibinibida nga niya ang mga gawa nila na pottery.

Photo credits: Marian Rivera| IG

“Trying out something new and learning!” together. Happy to experience this with you my Ate Z! (E, yung mas magaling pa siya sa akin!?) Sana all”, ani Marian sa caption ng kanyang IG post.

Kaagad namang umani ng iba’t ibang komento ang IG post na ito ni Marian, kung saan marami nga sa mga komento na mababasa ay panay papuri sa magandang bonding nilang mag-ina at sa nakakabilib na husay na ipinamalas ni Zia sa pottery.
Ilan nga sa mga nagbigay komento ay mga kilalang personalidad sa showbiz, tulad na lamang nina Angel Locsin, Mariel Padilla, Bianca Gonzales, Joyce Pring at marami pang iba.

error: Content is protected !!