Connect with us

Entertainment

Zeinab Harake, Nag Panggap na Konduktor sa Kaniyang Pinakabagong Vlog

Talagang napakaraming mga vlog ang inilalabas ng mga content creators ngayon para lamang mapasaya ang kanilang mga viewers at fans. Ang ilan sa kanila ay naghahanda ng iba’t ibang mga pranks samantalang ang iba naman ay ipinapakita ang kanilang mga nakagisnang gawain bago pa man sila magkaroon ng isang YouTube channel.

Para naman sa pinakabagong vlog ng kilalang personalidad na si Zeinab Harake, sumubok siyang sumakay muli sa ilang mini bus sa Bacoor kasama ang kaniyang kapatid na si Rana. Ayon kay Zeinab, araw-araw siyang sumasakay sa mga mini bus noong estudyante pa lamang siya. Kaugnay nito, wala siyang plano na magkaroon ng vlog ngunit talagang namiss niya ang pagsakay sa mga mini bus kaya naman excited siyang maranasan ito ulit.

Photo credits: Zeinab Harake | Youtube

Bukod kay Zeinab, tuwang-tuwa rin ang mga pasahero nang makita ang sikat na sikat na vlogger. Marami naman ang nakakilala sa kaniya samantalang may ilan ding kumuha pa ng litrato kasama siya.

Photo credits: Zeinab Harake | Youtube

Lalo ring natuwa ang mga kasamang pasahero ni Zeinab nang bayaran niya ang pamasahe ng ilan pang pasahero. Kitang-kita na talagang nag-enjoy si Zeinab sa mini bus gaming na ito. Inalala pa nga ng vlogger na dating PhP7 lamang ang pamasahe noon samantalang ngayon ay umaabot na sa PhP15 ang kailangang bayaran sa mga pampublikong sasakyan gaya nito.

Photo credits: Zeinab Harake | Youtube

Hindi naman naiwasan ang pagkakwela ni Zeinab lalo na noong nagpaalam siya sa mga pasahero ng mini bus. At dahil talagang nag-enjoy siya sa pagsakay sa mga ito, sinulit na niya ang karanasang ito at pansamantalang naging isang konduktor. Game na game si Zeinab sa paghawak ng mga name plates at pagtawag sa mga pasahero. Inalala din niya ang ilan pang nakakatuwang mga karanasan noong naninirahan pa siya sa Bacoor.

Photo credits: Zeinab Harake | Youtube

Dahil sa good vibes na dala ng kaniyang vlog, talagang natuwa ang kaniyang mga viewers. Makikita rin ang natural na pakikisalamuha ng vlogger sa mga tao.

Photo credits: Zeinab Harake | Youtube

Photo credits: Zeinab Harake | Youtube

Pansin na pansin naman ng kaniyang mga subscribers ang totoong kasiyahan ng kanilang idolo sa vlog na ito kaya naman sa loob lamang ng ilang araw ay mayroon nang 1.2 million views at higit pa sa 90,000 likes ang vlog. Libo-libo na rin ang nagkomento ng kanilang pagkatuwa sa vlog na ito.

error: Content is protected !!