Connect with us

Entertainment

Zeinab Harake at Rabiya Mateo, Magkasamang Namahagi Ng Tulong at Namigay Ng P200,000 Sa Isang Maswerteng Tagahanga

Damang-dama na nga ang diwa ng pasko kung saan ay namamayani ang pagbibigayan at pagtutulungan. Tunay nga na ang hatid ng pasko sa marami ang pagmamahalan.

Photo credits to the owner

Bukod nga sa pagbibigayan ng mga regalo ay bumubuhos rin ang pagbibigay ng tulong ng mga may mabubuting puso sa mga nangangailangan. Katulad na lamang nga ng sikat na vlogger na si Zeinab Harake na naging isang “Santa Zebby” kung saan nga ay hindi nagsawang mamahagi ng tulong sa mga nangangailangan.

Sa kanyang vlog nga kung saan tampok ang kanyang pagiging “Santa Zebby” ay pipili sila mula sa mga nag-email ng isang maswerteng tagahanga na mapapagkalooban ng isang biyaya at matutupad ang kahilingan ngayong pasko.

Photo credits to the owner

Matatandaan na unang nakasama ni Zeinab sa pamamahagi ng tulong sa kanyang mga tagahanga ang aktor at TV host na si Luis Manzano kung saan ay binigyan nila ng maagang pamasko na nagkakahalaga ng P76,000 ang misis ng may kapansanan.

Nasundan naman ito ng vlog ni Zeinab kung saan nakasama niya ang aktres na si Kim Chiu at namahagi ng papremyong P100,000. Matapos nito ay ang aktres na Andrea Brillantes, at grupong OC Dawgs, at pati na rin ng Beks Battalion ang nakasama ni Zeinab sa magbibigay ng tulong.

Photo credits to the owner

Napuno naman ng saya ang paraan ng pagtulong ni Zeinab dahil bago makuha ang premyo ay maglalaro muna ng mga challenges ang kanyang mga inimbitahang celebrities. Tila nga hindi dito natatapos ang pagpapaabot ng tulong ni Zeinab sa kanyang mga tagahanga.

At kamakailan lamang nga sa bagong episode ng Santa Zebby ay isa na namang tagahanga ang natupad ang kahilingan ngayong pasko. Sa pagkakataong ito ay nakasama naman ni Zeinab ang napakagandang si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Photo credits to the owner

Bago nga mapasakamay ni Rabiya ang papremyo at matupad ang kahilingan ng avid fan ni Zeinab, ay maglalaro muna ang beauty queen. Beer pong ang inihandang laro ni Zeinab para sa beauty queen kung saan nga sa bawat bolang maishoot ni Rabiya sa baso ay may katumbas na halaga. Para magtagumpay si Rabiya, ay kailangan niya itong matapos sa loob ng limang minuto.

Photo credits to the owner

At kapag nagtagumpay si Rabiya ay isang maswerteng avid fan ang matutupad ang kahilingan na makapagpagawa ng bahay para sa kanilang pamilya. Bago magsimula ang challenge, ay hiniling ni Rabiya na sana raw ay magawa niya ng maayos ang challenge. Makikita naman na talagang ibinigay ni Rabiya ang abot ng kanyang makakaya para magtagumpay sa challenge.

Photo credits to the owner

Nang matapos na nga ang challenge at nasimula nang bilangin ang napanalunan ni Rabiya, ay hindi maitago ng pamilyang makakatanggap ng papremyo ang kanilang kaligayahan. At ang lahat ng napanalunan ni Rabiya ay umabot ng P191,000, at dahil gusto ni Zeinab na masaya ang pasko ng pamilya, ay dinagdagan pa ito ng P10,000.

Sa kabuuan nga ay umabot ng P201,000 ang pera napanalunan ni Rabiya na siyang ibibigay sa pamilya ng avid fan na kanilang tutulungan. At dahil nga kay Rabiya at Zeinab, ay natupad ang kahiligan ng isang avid fan na maipagawa ang kanilang bahay. Kaya naman, labis ang pasasalamat ng mga ito sa kabutihan ni Zeinab at tulong na rin ni Rabiya dahil maipapagawa na nila ang kanilang bahay.

Photo credits to the owner

error: Content is protected !!