Connect with us

Entertainment

Zeinab Harake at Luis Manzano, Pinasaya Ang Misis Ng Isang Netizen Na May Karamdaman Matapos Biyayaan Ng P76,000

Hindi lamang nga saya at libangan ang hatid ng mga sikat na vlogger sa kani-kanilang mga video na mapapanood sa kanilang YouTube channel. Ang layunin nga ng karamihan sa kanila, maliban sa pagbibigay saya sa kanilang mga manonood, ay ang mag-abot ng tulong.

Credits: Zeinab Harake | YT

Dahil nga sa kanilang mga tagasubaybay at viewers, ay kumikita sila at publiko rin ang dahilan ng kanilang tagumpay. Kaya naman, ibinabalik rin nila ito sa kanilang mga tagahanga sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Marami na tayong nasaksihang sikat na vlogger na ang adhikain ay makatulong sa kapwa. Katulad na lamang nga ng sikat na vlogger na si Zeinab Harake na hindi nakakalimutang tumulong sa kapwa. At sa unang collaboration nga nila ng aktor at TV host na si Luis Manzano ay agad nilang ipinamalas ang kabutihang loob na makatulong sa kapwa.

Credits: Zeinab Harake | YT

Sa pagsasama nga nina Zeinab at Luis sa isang vlog, ay pinasaya nila ang misis ng isang netizen na may karamdaman matapos biyayaan ng P76,000.

Maliban sa pagiging aktor at TV host, ay pinasok na rin ni Luis ang mundo ng vlogging. Hindi rin naman mawawala sa mga sikat na vlogger ang magtulungan para makatulong rin sa iba.

Sa latest vlog nga ng sikat na vlogger na si Zeinab, at naging guest niya si Luis para sa kanyang vlog na “Santa Zebby”. At ang layunin nila pareho ay ang makatulong, ngunit naglaro muna sila ng flip the bottle challenge para maging kakaiba.

Credits: Zeinab Harake | YT

Bilang host naman ng game show na Minute To Win It, ay madali na lamang kay Luis ang gawin ang challenge. Ang mechanics naman ng laro, ang bawat bote na maipapatayo ni Luis, ay may katumbas na halaga kung saan ang kabuuang halaga nito ay mapupunta sa misis ng netizen na may karamdaman na nais nilang tulungan.

Nagpakitang gilas ng kanyang husay sa paglalaro si Luis, kung saan nga ang lahat ng bote ay nagawa niyang maipatayo. At ang kabuuang halaga ng mga bote ay P28,000. Ayon naman, kay Zeinab sa pagpunta pa lang ng misis ng netizen, ay may P10,000 na ito kung kaya’t P38,000 na agad ang pera nito. Hindi naman nagdalawang isip si Luis na doblehin ang nasabing halaga at nagbigay ng P38,000. Sa kabuuan nga ay P76,000 ang kabuuang halaga na naiuwi ng misis ng netizen na may diabetes at sakit sa kidney.

Credits: Zeinab Harake | YT

Dahil nga sa tulong na ipinagkaloob nina Luis at Zeinab, ay labis ang pasasalamat ng misis, lalo na nga’t malaking tulong ito para sa gamutan ng kanyang mister. Tuwang-tuwa nga ang misis dahil ang biyayang ito ay maagang pamasko para sa kanilang pamilya.

Sa huli ay pinasalamatan naman ni Zeinab si Luis dahil nakasama niya ito sa kanyang vlog para magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

error: Content is protected !!