Connect with us

Entertainment

“Yung pusa na gusto nila P300K”: Ruffa Gutierrez, Hindi Pumayag na Mag-alaga ng Pusa ang Kanyang Mga Anak Dahil sa Napakamahal Nitong Presyo

Bilang mga magulang ay may mga bagay na dapat isaalang-alang para sa ating mga anak. Kung minsan ay ibinibigay natin ang mga bagay na gusto nila, may mga pagkakataon rin namang kailangang limitahan ang kanilang gusto, at huwag basta ibigay kung kinakailangan.

Isa nga sa mga magulang na hindi basta pumapayag sa gusto ng kanyang mga anak, ay ang aktres at beauty queen na si Ruffa Gutierrez. Si Ruffa ay may dalawang anak sa kanyang dating asawang si Yilmas Bektas na sina Lorin Gabriella at Venezia Loran. At kamakailan lamang nga sa isang episode ng It’s Showtime na “Reina ng Tahanan”, ay ibinahagi ni Ruffa na may nakakawindang na kahilingan ang kanyang mga anak sa kanya na kanyang tinanggihan.

Photo credits: iloveruffag | IG

Sa nasabing episode ng “Reina ng Tahanan” ay pinag-uusapan ng mga host ng noontime show ang tungkol sa bagay kung saan may gusto ang kanilang mga anak na hindi sila pumayag, o hindi nila ito pinagbigyan dahil ayaw nila ang bagay na ito para sa kanilang anak.

Photo credits: iloveruffag | IG

Unang sumagot ang celebrity judge na si Janice de Belen kung saan ay sumagot ng “boyfriend”. Sumunod namang tinanong si Ruffa kung saan nga ay may nakakawindang na kasagutan. Dahil ang nais umano ng kanyang mga anak na sina Venice at Lorin ay mag-alaga ng pusa. Ngunit, hindi ito basta-bastang pusa dahil ito’y isang mamahaling pusa na nagkakahalaga ng P300K.

“Yung gusto talaga ni Venice at Lorin, bumili ako ng pusa. Eh yung pusa na gusto nila P300,000. Mygahd. Kumuha na lang tayo ng pusa sa kalye at alagaan,”saad ni Ruffa.

Sumagot naman si Teddy at sinabi na may alaga siyang pusa na galing Ukraine at ang halaga nga nito ay tumatakbo sa P300K pataas.

Samantala, naikwento naman ni Ruffa na may alaga siyang dalawang Golden Retrievers at natatakot siya na baka kung ano lang ang gawin nito sa pusa. Dahil nga dito, ay hindi pumayag si Ruffa sa kagustuhan ng kanyang mga anak.

Photo credits: iloveruffag | IG

Ayon pa kay Ruffa, ay masasayang lang ang napakalaking halaga kung ibibili lang ito ng pusa. At ang nasabing halaga ay marami nang pwedeng paggamitan lalo ngayong panahon ng pandemic.

“So kumusta naman yung P300,000? Yung P300,000 marami nang pwedeng gastusan yan, especially ngayon during pandemic, di ba?”

Ayon naman kay Vhong, sadyang napakamahal naman talaga ang halaga ng nasabing pusa, at hindi nga rin naman talaga ito praktikal

“O kaya kumontra ka dun. Masyadong mahal at hindi na practical.”

Kahit naman nga napakaganda ng pusang nais ng mga anak ni Ruffa, ay hindi niya talaga ibinigay ang gusto ng kanyang mga anak dahil sa napakamahal nitong presyo.

“Eh yun talaga yung pusa na gusto nila, yung malaking mata at very furry.”

error: Content is protected !!