Connect with us

Entertainment

‘Yung Mama ko Lagi Nangungutang’ Ivana Alawi, Ibinahagi ang Naranasang Hirap sa Buhay na Dahilan ng Walang Sawa Niyang Pagtulong sa mga Nangangailangan

Tila nga lahat ng magagandang katangian, panlabas man at mabuting kalooban ay makikita na sa aktres at vlogger na si Ivana Alawi. Sa kanyang angking ganda at kaseksihan, ay talaga namang milyon-milyon ang humahanga. Ngunit, higit sa lahat ang talagang naghahatid ng saya at inspirasyon sa kanyang mga tagahanga, ay ang napakabuti niyang puso na handang umagapay at tumulong sa mga taong nangangailangan.

At ngayong panahon ng pandemya, ay pinatunayan ni Ivana sa marami ang kanyang pagiging bukas palad matapos magpaabot ng tulong at mamahagi ng relief goods sa mga naapektuhan nating kababayan. Marami nga ang natuwa sa ginawang ito ni Ivana lalo na’t marami ang nawalan ng pinagkakakitain, at hanapbuhay.

Ngunit, lingid sa kaalaman ng marami, ang pagtulong ni Ivana ay may malalim palang pinagmumulan. Dahil siya at kanyang pamilya mismo, ay nakaranas rin ng hirap sa buhay, at naranasan rin ang malagay sa alanganing sitwasyon.

Sa virtual interview kay Ivana sa programang Magandang Buhay, ay kanyang nakakwentuhan ang TV host na si Momshie Jolina Magdangal. Dito nga ay ibinahagi ni Ivana ang hirap ng buhay na kanyang naranasan. At ito nga ang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon upang tumulong sa mga nangangailangan.

Ayon nga kay Ivana, marahil raw ay iniisip ng iba na hindi siya nakaranas ng hirap. Ngunit, kwento ng aktres ay naranasan ng kanyang pamilya ang hirap nang bumalik sila ng Pilipinas. At umabot umano sa puntong kumakain lamang sila ng toyo, at kanin dahil wala ng mautangan ang kanyang ina.

Hindi nga makalimutan ni Ivana ang hirap na naranasan na talagang tumatak sa kanyang puso at isipan na kung saan dahil sa pangungutang ng kanyang ina ay nakaraos sila sa hirap ng buhay.

Kwento nga ni Ivana, ang nagtulak sa kanya para magsimulang magpaabot ng tulong ay matapos niyang mapanood sa telebisyon at balita na marami ang nangangailangan ng tulong.

Dahil naranasan ni Ivana ang mawalan kung saan ay talagang halos wala na silang makain, ay alam niya ang hirap ng sitwasyon na nararanasan ng marami ngayon. At ito nga, ay hindi niya kayang panoorin na lamang ng wala siyang ginagawa.

Ayon pa kay Ivana, ay may dahilan kung bakit bumubuhos ang biyaya sa buhay niya. At ang biyaya na kanyang natatanggap, ay para rin ipamahagi niya sa mga nangangailangan.

Sadyang napakabuti nga ng puso ni Ivana, at ang mga blessings sa buhay niya ay talagang deserve na deserve niya lalo na’t marami siyang taong natutulungan.

error: Content is protected !!