Connect with us

Entertainment

‘Yung brief, pagdating sa’kin ‘yung garter nun parang bacon na’: Bossing Vic Sotto, Ibinahagi ang Simple Ngunit Masayang Buhay Niya Noon Bilang Bunso sa Pamilya Bago Pa Man Siya Sumikat

Ang komedyante at TV host ng longest running noon time show na Eat Bulaga na si Vic Sotto ay isa sa hinahangaan at tinitingalang personalidad sa showbiz. Isa nga siya sa pinakasikat na artista sa showbiz, lalo na pagdating sa komedya. Ang kanyang box office hit movie na Enteng Kabisote naman ay talagang marami ang pinasayang Pilipino. Ngunit, bago pa man makamit ni Bossing Vic ang tinatamasang tagumpay at kasikatan ngayon, ay simple lamang ang kanyang pamumuhay noon.

Photo credits: google.com

Para sa pagdiriwang ng 10th anniversary ng programang Tunay na Buhay, ay nagkaroon ng special episode ang programa kung saan ay nakakwentuhan ni Pia Arcangel, ang hinahangaan ng lahat na si Bossing Vic.

Photo credits: google.com

Sa nasabing panayam ay ibinahagi ni Bossing na siya ang bunso sa apat na magkakapatid. At dahil nga bunso, ay may mga pagkakataon na nai-spoiled siya ng kanyang mga magulang. Ito nga ay dahil madalas umanong manaig ang bunso sa ilang mga bagay.

“Pagka may mga bagay-bagay na dapat maayos, siyempre ang nananaig ‘bunso naman ‘yan. Hayaan n’yo na. Pagbigyan n’yo na. Bunso ‘yan.””

Photo credits: google.com

Ngunit, kung may kagandahan sa pagiging bunso, ay may bagay rin hindi maganda sa pagiging bunso ng pamilya, lalo na pagdating sa mga gamit.

“Ang hindi lang maganda sa bunso (ay) pagdating sa mga gamit. Kasi tatlo ‘yung pinagdadaanan, pagdating sa’kin, kunwari ‘yung brief, pagdating sa’kin ‘yung garter nun parang bacon na,” kwento ni Bossing.

Hindi naman maikakaila ang husay Bossing sa pagpapatawa, ngunit lingid sa kaalaman ng marami ay hindi lamang mga banat at jokes ang meron siya, dahil may maibubuga rin pala si Bossing pagdating sa paaralang pinapasukan na talaga namang ipinamalas ang katalinuhan noong bata pa siya.

“Kinder ako, may medal na kaagad ako sa spelling. Sa Grade 1, may medal ulit ako. First honor ‘yon hanggang mga Grade 4. Pag-graduate ng elementary, nawawala na ‘yung ‘mention’ sa ‘honorable.’Pag-graduate ko ng high school, ang medal ko na lang is Loyalty medal.”

Photo credits: tunaynabuhay

Nagkwento rin si Bossing tungkol sa simpleng buhay ng kanilang pamilya noon sa Malate, Manila, na noon ay nasa pangangalaga siya ng kanyang striktong magulang. Kwento ni Bossing, ang kanyang ama ay strikto pero palabiro, habang ang kanyang ina naman ay maluwag sa kanilang magkakapatid.

“Yung tatay ko, tatay namin ang strikto. Although cool din siya. Mahilig [sa] pagpatawa kahit hindi nakakatawa. ‘Yung nanay ko medyo maluwag ‘yon.”

Photo credits: tunaynabuhay

Bagama’t, lumaki sa displina at patnubay ng strikto niyang ama, ay hindi naman niya ito ginaya sa pagpapalaki ng kanyang mga anak.

Pag-amin nga ni Bossing Vic, “Hindi ako strikto. Actually, hindi ako ‘yung tipong nangingialam. Hindi ako magsasalita, not unless manghingi ka ng advice sa’kin. Gusto ko silang maging mas responsible na matututunan nila ang mga bagay-bagay sa buhay na sarili nilang kusa.”

Photo credits: google.com

Tila naman isang biyayang maituturing ang pagdating ng pandemya kay Bossing dahil sa quarantine ay nagkaroon pa siya ng mas maraming oras sa kanyang bunsong anak na si Tali.

Samantala, nakapanayam rin ang asawa ni Bossing na si Pauleen, kung saan sinabi nito na “ultimate daddy’s girl” si Tali. Lumalabas nga raw na siya ang bad cop, at si Bossing naman ang good cop na talagang mahal na mahal si Tali,bat spoiled pa ito sa kanyang daddy.

“Wala. Kayang-kaya niya daddy niya,”saad ni Pauleen.

“Influencer ‘yan e. Influencer sa’kin,”pahayag naman ni Bossing.

error: Content is protected !!