Connect with us

Entertainment

“Yung alam mo na wala ka na sa calendario. Shakeet sa ulo Besh” Seksi Aktres na si Arci Muñoz, Ibinahagi ang Kanyang Seksi Photos Habang Nagbabakasyon at Ipinagdiriwang ang Kanyang ika-32 Kaarawan

Hindi naman talaga maikakaila ang angking kagandahan ng aktres na si Arci Muñoz. Bukod tangi rin ang kanyang magandang hubog ng katawan, na talaga namang napakasexy. Isa nga ang aktes sa may magandang mukha sa showbiz, na hinahangaan ng marami.




Maliban dito, ay kahanga-hanga rin ang angking talento ni Arci pagdating sa aktingan. Nasaksihan natin ang kanyang husay sa pag-arte nang mapabilang siya sa cast ng afternoon series ng ABS-CBN na Pamilya Ko. At ngayon nga, ay kabilang naman siya sa ABS-CBN series Walang Hanggang Paalam, kasama sina Angelica Panganiban, Paulo Avelino, at Zanjoe Marudo.

Photo credits: ramonathornes | IG

Talaga namang namamayagpag ang karera ng aktres sa industriya. Hindi naman maikakaila na masayang-masaya ang aktres sa buhay niya ngayon. At nito lamang ika-12 ng Enero, nang masayang nagbakasyon ang aktres upang ipagdiwang ang kanyang 32nd birthday.

Photo credits: ramonathornes | IG

Sa espesyal na araw na ito ng aktres, ay sunod-sunod ang naging post ni Arci sa kanyang Instagram account, kung saan masisilayan ang kanyang mga sexy photos sa suot na bikini habang nasa beach. Makikita naman na talagang enjoy na enjoy ang aktres sa kanyang bakasyon para sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Sa isang Instagram post, makikita na nagbahagi ng dalawang larawan ang aktres, kung saan masisilayan ang maladyosa nitong kagandahan at napakaseksing katawan habang nasa tubig. Simple naman ang naging caption niya sa larawan, at inilahad ang kanyang edad.




“Thicker at 32,”caption ni Arci.

Sa hiwalay namang Instagram post, ay ibinahagi niya ang tatlong larawan kung saan makikitang namimingwit ng isda ang aktres. Pabiro naman ang naging caption ng kanyang post, at sinabi:

“Isda, parang love life ko mailap.”

May Instagram post rin si Arci, kung saan ay makikita namang nakasakay sa driver seat ng isang ng motor boat, at nakaawra sa harap ng kamera habang nakahawak ang kamay sa ulo.

“Yung alam mo na wala ka na sa calendario. Shakeet sa ulo besh,” caption naman ni Arci.

Samantala, inulan naman ng paghanga ang mga larawan ni Arci mula sa kanyang mga kaibigan sa showbiz na magpaabot rin ng pagbati sa kanyang kaarawan. Katulad na lamang nina Pia Wurtzbach, Jessy Mendiola, Ina Raymundo, Yam Concepcion, Sue Ramirez, Barbie Imperial, Darren Espanto, at Ria Atayde.

error: Content is protected !!