Connect with us

Entertainment

“Yun bang binigyan niya ng halaga yung sarili niya”: Willie Revillame, Ibinahagi ang Dahilan ng Pag-alis sa Showbiz ng Aktor na si John Lloyd Cruz Noong 2018

Nakabonding at nakakwentuhan ni Willie Revillame ang isa sa hinahangaang aktor sa showbiz na si John Lloyd Cruz kamakailan kasama ang ilan pa nilang kaibigan sa napakagandang resort ng TV host sa Puerto Galerana Wil’s Cove.

Credits: Sam Versoza | Instagram

Sa kanilang masayang bonding ay nagkaroon ng masinsinang pag-uusap ang magkaibigang sina Kuya Wil at Lloydie. Matapos kamustahin ang buhay ng isa’t isa, ay napag-usapan rin ng dalawa ang dahilan ng pag-alis sa showbiz ni Lloydie noong 2018.

At nito lamang ngang ika-19 ng Mayo sa programang Wowowin: Tutok To Win, ay nagkwento si Kuya Wil tungkol kay Lloydie at rason ng aktor sa kanyang pamamahinga sa showbiz noon.

Credits: Sam Versoza | Instagram

Una munang binati ng 60-year-old TV host, ang kanyang kaibigang si Lloydie, at sinabi nga na nakasama niya ito sa kanyang resort noong nakaraang gabi kung saan ay nagkamustahan, at nabanggit nga kung bakit ito namahinga sa larangan ng pag-arte.

“Actually, gusto ko lang batiin ang kaibigan nating si John Lloyd. Kagabi kasama ko siya, nasa Puerto Galera kami. Nagkuwentuhan kami sa buhay.Tinanong ko siya, ‘Bakit ka ba huminto?’”

Credits: Sam Versoza | Instagram

Ayon naman kay Kuya Wil, ay nagkwento naman si Lloydie kung ano ang kanyang rason sa pansamantalang pag-alis sa showbiz. At base sa sinabi ni Kuya Wil, ay lumalabas na binigyan ni Lloydie ang sarili ng panahon para makapagpahinga.

“Alam mo, maganda yung mga rason niya, e. ‘Paminsan nabe-burnout ka na. Ito na lang po ginagawa ko araw-araw. Paggising ko, shooting. Pagtulog ko, paggising ko, shooting.’”

“Yun bang binigyan niya ng halaga yung sarili niya,”dagdag pa ni Kuya Wil.

Credits: Direkbobet | Instagram

Samantala, nakasama rin ni Kuya Wil at Lloydie sa napakagandang resort ni Kuya Wil ang iba pa nilang kaibigan na direktor na sina Bobot Mortiz at Cathy Garcia-Molina, ang dating Star Cinema head na si Malou Santos, at Frontrow executive na si Sam Verzosa kung saan ay naging mainit rin ang pagtanggap kay Lloydie sa muling pagbabalik showbiz ng aktor.

Matatandaan naman na noong May 2018 nang iwan pansamantala ni John Lloyd ang showbiz. Ito ang mga panahong mainit ang isyu tungkol sa relasyon nila ng aktres na si Ellen Adarna. Base naman sa naging opisyal na pahayag ng ABS-CBN Corporate Communications noon sa pag-alis ng aktor ay sinabi na:

“John Lloyd will be taking a break outside the country and will return to ABS-CBN after his leave of absence.”

Credits: Direkbobet | Instagram

Samantala, matapos ang ilang taong pagkawala sa showbiz, ngayon nga ay muling nagbabalik si Lloydie sa kanyang minahal na larangan sa pangangalaga ng bagong talent management na pag-aari ni Maja Salvador, ang Crown Artist Management (CAM).

error: Content is protected !!