Connect with us

Entertainment

Yumaong Senador Miriam Defensor Santiago, Naging Tulay Kung Paano Nagkakilala at Nagkaibigan si Heart Evangelista at Chiz Escudero; Heart, Ibinahagi ang Detalye

Sino pa naman ang hindi hahanga sa ganda at karisma ng aktres at fashionista na si Heart Evangelista? Lalo naman siyang hinahangaan ng publiko bilang isang pilantropo na walang sawang nagpapaabot ng tulong sa mga nangangailangan. Bagay na lubos na ipinagmamalaki at suportado ng kanyang asawang si Chiz Escudero. Ang mag-asawa nga ay halos limang taon nang masayang nagsasama ngayon. Ngunit, bago pa man matagpuan ni Heart ang kaligayahang inaasam sa piling ng Gobernador ng probinsiya ng Sorsogon, ay dumaan muna si Heart sa kabiguan at nasaktan sa pag-ibig.

Matatandaan na nakarelasyon ni Heart ang mga aktor na sina Jericho Rosales at Daniel Matsunaga. At sa naging panayam ng aktres sa TV at movie writer na si G3 San Diego, ibinahagi niya ang naging karanasan niya sa mga nakarelasyong aktor.




At ayon nga kay Heart, ang isa sa itinuturing niyang hindi makakalimutang proyekto ay ang fantaseryeng “Ang Panday”, kung saan nakasama niya ang aktor na si Jericho Rosales at kalaunan nga ay naging nobyo niya ito. Ngunit, ang relasyon ng dalawa ay nagwakas matapos ang tatlong taong pagiging magkasintahan. Bagama’t pinanghinaan ng loob si Heart, ay nakatulong naman ito sa kanya, dahil para sa kanya ay mas lalo pa niyang nakilala ang kanyang sarili noong mga panahon na iyon.

“That was me becoming a lady, into a woman and really discovering myself, my strengths and weaknesses. Although I still ended up being very weak at that time because I was just very confused because of my family.”

Ibinahagi rin ni Heart na tila ang naturang teleserye ay istorya ng buhay niya dahil habang ginagawa ang teleserye ay nararamdaman ni Heart na sumasalalim ito sa totoong pangyayari ng buhay niya. Sa kabilang banda, ay naenjoy naman ni Heart ang role niya bilang leading lady ng nasabing teleserye.

Samantala, maging ang karanasan ni Heart sa dating nobyo na si Daniel Matsunaga ay ibinahagi rin niya. Isa na nga rito ang paglipad niya patungong Brazil kasama ang dating nobyo.

“I went to Brazil because I was with Daniel. You know, Daniel, when we were together of course, I loved him when we were together but I really loved him for the person he was.”

Ngunit, hindi naman nagtagal ang kanilang relasyon. Kahit pa raw napakabuting tao ni Daniel sa kanya ay nararamdaman umano ni Heart na hindi sila ang nakatadhana para sa isa’t isa.

“But in some way, I knew that we weren’t for each other. I felt na he’s such a good guy, I knew somebody else could make him happy. I knew that parang we are just so different. I didn’t want to force it.”

“The one with Daniel, it wasn’t that stressful. I felt bad for him because I really, really scared him. But it wasn’t the others like in the past and in the present. ‘Yung Panday days and then ‘yung Chiz Escudero days, super stressful — the stuff that went on behind all the interviews, it’s crazy.”




Ang lahat naman ng kabiguan ni Heart ay napalitan ng kaligayahan nang makilala niya ang kanyang dream guy sa katauhan ni Chiz Escudero. At sa tulong nga ng yumaong Senador na si Miriam Defensor Santiago ay natupad nga ang pangarap ni Heart na mapangasawa ang lalaking matagal na niyang pinapangarap.

At ayon nga kay Heart ay ang kanyang Tita Miriam ang nagsilbing tulay sa pagsisimula ng pag-iibigan nila ng asawang si Chiz.

“Because Tita Miriam … when I broke up with my ex at that time, she told me that I needed to see more of the world. Like I needed to date people outside showbiz ganyan. And parang she had a list of different you know, eligible guys. I got calls from different people. It’s so funny,”

pagbabahagi ni Heart.

At kabilang nga sa listahan si Chiz, kaya naman hindi na nagdalawang isip pa si Heart na aminin sa dating Senador ang kanyang lihim na pagtingin kay Chiz. Kaya naman, agad na gumawa ng paraan ang dating Senador upang magkita silang dalawa ni Chiz.

Ayon pa kay Heart, umabot umano ng dalawang buwan bago niya malaman na gusto rin siya nito. At ang buong akala niya ay magkaibigan lamang sila, ngunit sa huli nga ay sila pala talaga ang para sa isa’t, na ang dahilan ng lahat ay ang kanyang Tita Miriam.

“It took two months before I realized that he really liked me. You know, I thought we were just friends. But that’s how it started … with Tita Miriam.”




Bagama’t nag-alinlangan si Heart noong una nilang date dahil sa pagsasama ni Chiz ng chaperon, kalaunan naman ay natiyak na niya na ito nga ang taong papakasalan at handa niyang makasama habang-buhay.

“I know this sounds cheesy but ever since before talaga, I really liked him. I really looked up to him and when I met him in person, parang he did not disappoint. He was so more than I thought he would be. He was so normal to me… I knew he’s the one. I knew it right away. I married my dream guy.”

error: Content is protected !!