Connect with us

Entertainment

YouTube Vlogger-Entrepreneur na Si Viy Cortez Ipinasilip ang Disenyo ng Kanilang Dream House na Ngayon ay Sinisumulan na Nilang Ipatayo

Maraming mga pangarap ang bawat magulang para sa kanilang mga anak, at isa na sa mga ito ay ang mapalaki ang mga anak nila sa isang maganda at kumportableng tahanan na pangarap nila para sa mga ito. Katulad na lamang ng YouTube vlogger-entrepreneur at ngayon ay isa ng ganap na mommy na si Viy Cortez, na nito lamang nakaraan ay ibinahagi ang dream house nila ng longtime partner niyang si Cong TV.

Photo credits: Viy Cortez| IG

Noon lamang nakaraang buwan ng Hulyo ng isinilang ni Viy ang malusog at napaka-adorable na anak nila ni Cong TV na si baby Kidlat. Sa pagiging isang ganap nilang magulang, ay tila mas naging prayoridad na ngayon nina Viy at Cong ang future ng kanilang anak, kaya naman nito lamang nakaraan ay ibinahagi ni Viy na ang dream house nila ay ipapatayo na nila, sapagkat dito nila nais na lumali ang kanilang anak.

Photo credits: Viy Cortez| IG

“Soon to rise🏡
Pangarap ko ito, magkaroon kami ng sariling bahay ni Cong. Dito namin papalakihin si Kidlat😍.. Thak you Lord🙏.”

Sa ibinahaging larawan ni Viy, ay makikita na ang pangarap nilang tahanan ni Cong ay isang modern design home na mayroong high ceiling, at ito ay may tatlong palapag. Mapapansin din na ang interior design nito ay perpekto para sa kanilang pamilya.
Ayon pa kay Viy matagal niyang pinangarap ang magpatayo ng sarili nilang tahanan ni Cong, at ngayon ay masaya niya ngang ibinahagi na matutupad na ito.

Photo credits: Viy Cortez| IG

“Grabe tagal ko tlong pinangarap. Ngayon matutupad na”, pagbabahagi ni Viy.

Hindi naman napigilan ng mga netizens ang mamangha kung gaano kalaki at kaganda ang future house nina Viy at Cong. May mga ilang kaibigan at kapamilya pa ang dalawa na nagkomento ng pabiro, na kung maari ba silang makitira sa dalawa.

“Di na kami magpapatayo ng bahay, makikitira na lang kami sa basement”, ang naging pagbibirong komento ng kapatid ni Cong na si Pat Velasquez-Gaspar

Photo credits: Viy Cortez| IG

Para kay Viy ay napaka-symbolic ng pagpapatayo nila ng kanilang bagong tahanan, sapagkat ito ay simula ng bagong journey nila ni Cong kasama ang anak nilang si Kidlat.
Sina Viy Cortez at Cong TV ay parehong kilala bilang mga sikat na vlogger sa ating bansa, kung saan kung pagsasamahin ang kanilang mga subscribers ay nasa 15-milyon na ito. Sila ay halos nasa 7-taon na ring magkasintahan, at ngyon ay mas lalo pang tumibay ang kanilang pagmamahalan sa pagdating ng anak nilang si Kidlat.

error: Content is protected !!