Connect with us

Entertainment

“You never should have been born”: Cristine Reyes, Ibinahagi ang Pinakamasakit na Salitang Narinig Mula sa Kanyang Ina Na Nagdulot sa Kanya ng Matinding Trauma

Hindi madali ang pinagdaanan ng childhood ng aktres na si Cristine Reyes. Dahil sa halip na isang masayang childhood memories, ay napuno ito ng lungkot, at nagkatruama pa siya sa edad na anim na taong gulang hanggang sa pagtuntong ng 21 taong gulang.

At kamakailan lamang nga, ay ibinunyag ni Cristine sa publiko ang kanyang childhood wounds, ang masasakit na salita mula sa kanyang tunay na ina at ito ay nagdulot sa kanya ng matinding trauma.

Sa podcast ni Liza Florida na Eight Billion Project, ay nagkwento si Cristine ng kanyang mapait na karanasan sa murang edad. Ayon sa aktres, anim na taong gulang lamang siya nang malaman niya na siya pala’y isang ampon. Hindi raw makapaniwala si Cristine na ang itinuring niyang Daddy Metring na nagparamdam ng tunay na pagmamahal sa kanya, ay hindi niya pala tunay na ama. Nagkwento rin si Cristine, kung paanong ipinagtapat sa kanya ng kanyang Daddy Metring na siya’y ampon. At nang mga sandaling iyon pala, ay susunduin na siya ng kanyang tunay na ina.

Kwento ni Cristine, nagsimula ang miserable niyang buhay na puno ng lungkot at pait nang kunin siya ng kanyang tunay na ina sa mga tumayong magulang sa kanya na nagparamdam ng tunay na pagmamahal sa kanya. Labis naman ang paghihinagpis ni Cristine sa paghihiwalay nila ng kanyang Daddy Metring.

“It wasn’t a very welcome for me. I think I don’t belong here. Ever since I moved to my biological mom, I felt that I didn’t have a voice. As much as possible, I don’t really talk.”

Ayon naman sa aktres, sa tingin niya ay may mabuting puso parin ang kanyang ina, dahil kahit nagawa siya nitong ipaampon, sa huli ay kinuha parin siya. Nalaman naman ni Cristine na kaya siya ipinaampon ay dahil wala pang kakayahan ang kanyang ina na buhayin silang anim na magkakapatid. Dagdag pa ng aktres, ay napuno umano ng galit ang puso nito at sa kanya naibunton ang lahat ng galit ng kanyang ina.

Hindi naman akalain ni Cristine na sasabihin sa kanya ng kanyang ina ang mga masasakit na salita kahit siya noo’y musmos pa lamang. Ayon kay Cristine ay sinabi raw sa kanya ng kanyang ina na ilang ulit raw siyang pinalaglag. At sana raw ay hindi na lang siya ipinanganak, at namatay na lamang. Tagos sa puso ang sugat na iniwan ng mga salitang iyon kay Cristine.

“I was very neglected at six years old. I remember whenever there’s a problem, I would constantly hear words, ‘You know, you should have died. You never should have been born.”

“I tried so many times to abort you. You’re just something else. Your grip was there. You should have died.”

“It was so painful. I grew up hearing that all the time.”I came from a very loving family, a happy environment. And then all of a sudden, my life changed. What is this? I had to survive. I was always at survival mode at [the age of] six. That’s when it started I always want to be alone. Because when I’m alone, I’m safe.”

Walang nagawa si Cristine sa mga masasakit na salitang kanyang naririnig araw-araw kundi ang magtiis. Hanggang sa pagtuntong niya sa edad na 21, ay nagpasya na siyang umalis sa bahay na tinawag niyang “hell house”.

Sa dami ng mga pagsubok na pinagdaanan ni Cristine sa buhay, ay ang masasakit na salita mula sa kanyang ina ang nagbigay sa kanya ng trauma na hanggang ngayon ay dala-dala parin niya.

“Nobody will love you. You’re gonna be alone all your life,”ito ang pinakamasakit na salitang narinig niya mula sa kanyang ina.

Samantala, sa paglipas ng panahon ay nais raw ni Cristine na maputol ang tila sumpa ng mapait niyang nakaraan. At ngayon, ay nais niyang mamuhay ng masaya, at magkaroon ng magandang pakikitungo sa mga taong nakapaligid sa kanya. Nais ng aktres na palayain ang sarili mula sa mapait niyang nakaraan.

“Now I’m realizing you can speak up. I can stand up for myself. I’m already 32 and I still have that in me wherein I can’t speak my mind. I can say no if I don’t want to…It’s gonna be hard because I’m already old. They say you can’t teach old dogs new tricks. But I think if there’s a will, there’s a way.Most importantly, surrounding myself with people who have the sense of real love and support.”

“I wanna cut the curse in spreading bitterness, darkness, hatefulness in the world. All along it’s the people around me [who got it wrong]. It’s me.Now, I have to take full responsibility of everything that happened in my life.”

error: Content is protected !!