Connect with us

Entertainment

Yeng Constantino, Proud na Ibinahagi ang Pagpapaganda ng Kaniyang Tiny Farm House

Sa isang YouTube vlog na bahagi ng Tiny House Series ng singer na si Yeng Constantino, ibinahagi niya ang naging proseso sa pagpapaganda ng kaniyang kusina. Matatandaan na ang tiny house na ito ay makikita sa farm ng mag-asawa.

Sa unang parte ng vlog, isinama ni Yeng ang kaniyang mga viewers sa pamimili ng mga wooden furnitures at dekorasyon para sa kusina at iba pang parte ng tiny house. Kapansin-pansin naman na kahit maituturing itong isang tiny house, malawak ang espasyo ng kusina rito.

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Talagang komportableng makakapaghanda si Yeng at ang kaniyang asawa. Mayroon din itong malalaking bintana kung saan matatanaw ang ganda ng kanilang farm.

Nagbibigay rin ito ng karagdagang liwanag sa loob ng tiny house.

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Sapat na sapat rin ang storage space ng kusina. Mayroon itong open shelves kung saan makikita ang mga kubyertos at maging ang mga kaldero ng mag-asawa. Mapapansin din ang pagiging organisado ni Yeng sa kaniyang mga kagamitan kaya naman kinumpleto rin niya ang pagpapaganda sa kusinang ito gamit ang mga storage boxes. Dito makikita ang iba’t ibang mga kagamitan gaya ng spices at iba pang mga supplies.

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Nakakabilib din ang paggamit ng espasyo sa ilalim ng counter tops kung saan makikita ang iba’t ibang kitchen equipments. Ipinakita rin ni Yeng ang mga paborito niyang appliances para sa tiny house.

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Para makumpleto naman ang kusinang ito, naglagay rin siya ng isang refrigerator na sapat na sa kanilang mag-asawa. Sa kabuuan, mapapansin ang balanse ng puting kulay at wood accents sa mga dekorasyon ng kusina. Perpekto naman ang temang ito para sa farm house.

Photo credits: Yeng Constantino | Youtube

Humanga naman ang mga netizens sa proseso ng pagpapaganda nito. Ang ilan ay nakapagbigay din ng mga suhestiyon kay Yeng para sa tuloy-tuloy na pag-aayos nito. Ang iba naman ay ibinahagi ang kanilang paghanga sa munting proyekto ng mag-asawa.

Ayon sa kanila, talagang mukhang organisado ang singer pagdating sa kaniyang mga kagamitan. Mukhang napaka-komportable rin para sa mga netizens ang layout at espasyo ng kusina. Dahil dito, nagkaroon ng inspirasyon ang ilang viewers ng vlog na magtayo rin ng tiny house o kaya naman ay pagandahin rin ang kanilang sariling tahanan.

error: Content is protected !!