Connect with us

Entertainment

Yeng Constantino, Ipinasilip ang Pag-Decorate Nila sa Loft Bedroom Nila sa Kanilang Farmhouse

Kamakailan lamang ng ipasilip ng singer na si Yeng Constantino ang napakaganda at nakakarelaks nilang farmhouse, kung saan ng mga sandali ngang iyon ay halos katatapos lamang at wala pa ngang mga kagamitan.

Photo Credits: Yeng Constantino | YT

Kaya naman sa pinakabagong vlog ni Yeng kamakailan lamang ay ipinasilip niya naman ang naging pag-decorate nila sa loft bedroom ng kanilang farmhouse.

Katulong nga ni Yeng sa pagpapaganda ng kanilang loft bed ay ang kanyang kapatid, at maging ang mister niyang si Yan.
Makikita nga ang naging pagpunas ni Yeng at ng kanyang kapatid sa sahid ng kanilang loft bedroom, ito ay upang masigurado nga nila na kapag inilapag na nga roon ang magiging higaan nila ay malinis na ito.

Photo Credits: Yeng Constantino | YT

Pagdating naman sa pagde-decorate, ang unang ikinabit nga nina Yeng at ng kanyang kapatid ay ang tatlong pirasong round wall mirror. Ayon nga kay Yeng ang kanyang kapatid ang mas visualize sa kanila kaya naman ito ang nasunod kung paano nga ba ang magiging posisyon ng bawat round mirror sa wall.

Photo Credits: Yeng Constantino | YT

Kasunod nga na ikinabit ng dalawa sa wall ay ang isang printed na tela na ayon kay Yeng ay nabili niya sa Shein. Saad niya ito ang magsisilbing dekorasyon sa kanilang bedroom at magiging headboard na rin ng kanilang higaan.

Matapos na maikabit ang mga dekorasyon sa wall, ay inakyat na nga ng mister ni Yeng na si Yan ang mga kahoy na gagamitin niya para ma-install ang kanilang magiging bedframe. Makikita naman ang naging pagtulong ni Yeng sa kanyang asawa na mai-akyat sa kanilang loft bedroom ang mga kahoy na gagamitin nito.

Photo Credits: Yeng Constantino | YT

Nang matapos nga ang pag-i-install ni Yan ng bedframe nila, ay ini-akyat na nga nila ang mga foam, kasunod nito ay ang paglalagay nga nila ng mga bedcover. Ibinida naman ni Yeng ang isang bagay na binili umano ni Yan sa Shopee na makakatulong para maging fit ang bedsheet nila sa kanilang higaan.

Photo Credits: Yeng Constantino | YT

Naging kumpleto naman ang set-up ng higaan nina Yeng at Yan ng ilagay na nga nila sa gilid nito ang mga side table na ginawa mismo ni Yan gawa nga sa mga pallet wood. Ipinakita naman ni Yeng ang dalawang tila modernong lampara na binili nga umano nilang mag-asawa sa Ikea.
Huli namang inilagay nina Yeng sa kanilang loft bed ay ang mga pallet wood na magsisilbi ngang patungan ng kanilang TV.

Photo Credits: Yeng Constantino | YT

At sa huli nga ay makikita na ang kumpletong set-up sa loft bedroom kung saan mayroon na nga itong TV, electric fan at mayroon pa ngang halaman na mas nagbibigay ng magandang ambiance dito.
Tunay namang napakagandang ng kinalabasan ng pag-decorate nina Yeng ng kanilang loft bedroom na tila minimalist nga ang tema.

error: Content is protected !!