Connect with us

Entertainment

Yeng Constantino, Ipinasilip Ang Masaya Nilang Camping Sa Kabundukan Ng Montalban, Rizal

Ang sikat na singer na si Yeng Constantino ay tila nag-eenjoy sa kanyang mga adventure kasama ang kanyang asawang si Yan Asuncion. Ngayong panahon nga ng pandemya, ay mas sinusulit nila ang bawat sandali na sila’y magkasama. Sina Yan at Yeng ay ikinasal noong 2015 sa mismong araw ng Valentines Day na naganap sa Hacienda Isabella sa Tagaytay, at magmula nga noon ay hindi na sila nagsawang iparamdam ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa.

CREDITS: Yeng Constantino| YT

Samantala, patuloy naman pinapasaya ni Yeng ang kanyang mga tagahanga sa kanyang mga vlog na puno ng adventure. At tila ang pagca-camping ang nakakahiligang gawin ngayon ni Yeng kasama ang kanyang mister. Kung matatandaan sa mga naunang vlog ni Yeng, ay ipinasilip niya ang kanilang camping sa kanilang farm.

CREDITS: Yeng Constantino| YT

Tila nga naenjoy ng mag-asawa ang kanilang camping adventure dahil kamakailan lamang ay nasundan ito. Sa unang camping nina Yeng para sa taong 2022, ay nagpasya ang mag-asawang magtungo sa lugar kung saan lumaki si Yeng, at ito nga ay sa Montalban, Rizal na isa’t kalahating oras lamang ang layo mula sa Maynila.

CREDITS: Yeng Constantino| YT

Nito lamang ika-30 ng Enero ay ibinahagi ni Yeng ang isang vlog na naglalaman ng kanilang masayang camping adventure sa kabundukan ng Rizal. Hindi naman maikakaila na talagang pinaghandaan ni Yeng ang araw ng kanilang camping dahil makikitang kompleto ang dala niyang mga kagamitan.

Magmula sa paglatag at pagtatayo ng tent ay ipinasilip ni Yeng. Makikita sa loob ng tent na talagang napaka-organized ng sikat na singer pagdating sa kanilang mga kagamitan.

CREDITS: Yeng Constantino| YT

Isa namang makapigil hiningang ganda ng tanawin ang masisilayan sa labas ng tent. At ito nga ay ang malawak na kabundukan ng Rizal. Napakapresyo rin ng sariwang hangin dito, lalo nga’t nasa tuktok sila ng bundok.

Ipinasilip ni Yeng ang kanilang breakfast habang sila’y nakaupo at nakatanaw sa napakagandang tanawin. Isa naman sa talagang inaabangan nina Yeng sa kanilang masayang adventure, ay ang paglubog ng sikat ng araw. At nang masilayan nga ang kahanga-hangang ganda ng sunset, ay talaga namang wala itong katulad. Napakaganda ng mga larawan, at video na kuha nina Yeng habang sila’y nag-eenjoy sa panonood.

CREDITS: Yeng Constantino| YT

Samantala, naibahagi naman ni Yeng na hindi siya gaanong nakatulog kinagabihan sa loob ng tent dahil sa malakas na hangin. Payo nga ni Yeng, ay dapat na round tent ang gamit kapag ang pupuntahang campsite ay kabundukan, at ang dala nga nilang klase ng tent ay hindi angkop sa mahangin na lugar.

Sa kabila nito, ay nag-enjoy naman si Yeng sa kanilang camping sa kabundukan ng Rizal, lalo na nga’t sa ganda pa lang ng tanawin ay talaga namang mabubusog na ang mga mata.

error: Content is protected !!