Connect with us

Entertainment

Yen Santos, Naiyak Sa Tuwa Matapos Masilayan Ang Eiffel Tower

Hindi nga napigilan ng Kapamilya star na si Yen Santos ang maiyak sa tuwa matapos masilayan ganda ng Eiffel Tower.

Likas na sa mga sikat na artista ang mag-travel sa magaganda lugar. Dahil nga, kailangan rin nila ang magpahinga sa pagiging abala sa kanilang trabaho. Sa bawat destinasyon, ay talagang sinusulit naman nila ang kanilang pamamasyal.

Photo credits: Yen Santos | IG

Katulad na lamang nga ng aktres na si Yen Santos, na natupad na ang pangarap na masilayan ang ganda ng Eiffel Tower. Matatandaan na noong 2019, ay enjoy na enjoy si Yen sa kanyang pagbisita sa Paris, France kung saan nga ay nakita niya nang malapitan ang Eiffel Tower.

Photo credits: Yen Santos | IG

Sa kanyang Instagram account, ay ibinahagi ni Yen ang kanyang bago at masayang karanasan na kasama sa kanyang bucket list. Sa isang larawan na ibinahagi ng aktres, ay makikitang backdrop niya ang tanyag na Eiffel Tower. Kapansin-pansin sa larawan ang masayang ngiti ng aktres, at talagang naluha pa sa sobrang saya. Sa caption naman ng kanyang post, ay hindi maitago ng aktres na talagang naiyak siya sa labis natuwa dahil sa wakas nga, ay natupad na ang matagal na niyang pinapangarap na masilayan ang pinakasikat na tourist attraction sa France, ang Eiffel Tower.

Photo credits: Yen Santos | IG

“Finally paris, we meet! I was literally crying looking at the eiffel tower! It was so much more than I dreamed it was going to be and I just couldn’t believe it was right in front of me.”

“Sarap sa feeling. Sobra! number 1 on my travel bucket list.Believe in the beauty of your dreams.”

Bago naman pumuntang France si Yen, ay makikita namang bumisita rin siya sa Italy. Sa kanyang Instagram account nga, ay ibinahagi niya ang isang post kung saan sinabi niyang “one of the best dining experiences of my life in Rome”.

Photo credits: Yen Santos | IG

Naging sunod-sunod naman ang pagbabahagi ni Yen sa kanyang Instagram ng mga larawan na kuha sa kanyang bakasyon. At makikita naman na talagang enjoy na enjoy ang aktres, kung saan ay hindi pinalampas ang pagkakataon na bisitahin ang magagandang lugar na kasama sa kanyang bucket list.

Agaw pansin naman ang natatanging kagandahan ni Yen suot ang kanyang mga naggagandahang OOTD na talaga namang bagay na bagay sa kanya.

Photo credits: Yen Santos | IG

Si Yen ay isa sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz na taglay rin ang napakaseksing katawan. Unang nakilala si Yen sa industriya ng showbiz, matapos maging housemate sa reality show na Pinoy Big Brother: Teen Clash edition noong 2010. Mas lalo naman siyang nakilala ng publiko matapos gumanap bilang Ysabel Espiritu sa Pure Pove, isang Philippine adaptation ng Korean drama 49 Days.

error: Content is protected !!