Connect with us

Entertainment

Yen Santos at Paolo Contis, Magkasama Nga Ba sa Birthday Dinner “As A Friend” Sa Pagdiriwang Ng Birthday Ng Aktres?

Tila nga napakabilis ng mata ng mga “Marites” ng social media, dahil agad nilang naispatan sa Instagram stories nina Paolo Contis at Yen Santos, na tila magkasama ang dalawa sa birthday dinner ng aktres.

Agaw atensiyon nga ang mga larawang ibinahagi ng dalawa. Sa IG story ni Yen, ay makikitang ibinahagi ng aktres ang larawan ng dinner set up for two sa isang gazebo na tila nasa beach. Habang si Paolo naman ay ibinahagi ang kanyang selfie photo, kung saan mahahagip sa background ang kaparehong lighting set up sa ibinahaging dinner set up ni Yen.

Sa IG story ni Yen ay nilakipan niya ng simpleng caption ang larawan ng “birthday dinner”, samantalang sa caption naman ni Paolo, ay “dinner time” ang kanyang inilagay at nilakipan pa ng tatlong cake emoji.

Dahil nga dito, ay duda ang mga Marites na magkasama ang dalawa sa pagdiriwang ng kaarawan ni Yen. At ayon nga sa mga netizens at Marites ng social media, ay baka nga raw “birthday dinner as a friend”, ang ginawa ng dalawa sa pagdiriwang ng kaarawan ni Yen.

Hindi nga nakapagpagil ang mga netizens na magbigay ng kanilang komento sa patungkol sa nasabing larawan ng dalawa sa kani-kanilang IG stories. Ayon nga sa mga ito, sa pagkakataong ito ay wala na sigurong rason pa si Paolo na itanggi ang isyu. At kung “as a friend” na naman nga ang birthday dinner na ito, ay wala naman raw silang dapat pang itago sa publiko.

“Baka sabihin na naman ni paolo nagktaon lang na andun sya at sya yung malapit”

“Sila lng nmn gumagawa ng malalaman ng tao na magkasama sila.. so bakit itatago pa noh?? Hahaha pabebe,, pa marites effect”

“Dinner date as a friend ahahhaaha”

“Ayw pang aminin may pa thriIl thrilI pa kaung nlalaman ,bukas makalawa pag lantad nio sasabihin nio den wala kayong ina’ap’akang tao”

Halos ilang buwan na ring hiwalay si Paolo sa kanyang dating partner na si LJ Reyes. Matapos nga ang anim na taong pagsasama sa iisang bubong na nagbunga ng isang anak na babae, ay nagkanya-kanya na sila ng landas. Sa ngayon ay masayang naninirahan si LJ sa New York, kasama ang anak nila ni Paolo na si Summer, at panganay niyang si Aki na anak naman ng aktres sa kanyang ex-boyfriend na si Paulo Avelino.

Matatandaan naman na sa gitna nang mainit na isyu ng hiwalayan nina LJ at Paolo, ay pumutok naman ang balitang magkasama diumano sina Paolo at Yen sa Baguio. At sa pagkalat ng kanilang “sweet photos” sa social media, ay siya namang pagtanggi ni Paolo sa anumang namamagitan sa kanila ni Yen kung saan ay sinabi ng aktor na sinamahan umano nito ang aktres “as a friend”.

error: Content is protected !!