Connect with us

Entertainment

Yassi Pressman, Umakyat sa Ipinapagawang Bahay noong Halloween at nag ala Malificent Habang Kinukunan ng Video

Sa naging selebrasyon ng nagdaang Halloween ay talaga namang marami sa ating mga kilalang artista ang nagpa-andar ng kanilang iba’t ibang pakulo, lalo na pagdating sa kani-kanilang costume.
Ngunit alam niyo ba na itong ating dance floor princess at mahusay na aktres na si Yassi Pressman, ay nagung buwis buhay ang naging kaganapan noong Halloween?

Makikita sa Instagram post ng aktres na si Yassi Pressman noong ika-31 ng Oktubre araw ng Sabado, kung saan ay ipinagdiriwang ng lahat ang Halloween, ay nakasuot ang aktres ng ng Maleficent costume, ito ay inspired mula sa sikat na pelikula noon na ‘Maleficent’ kung saan bumida ang Hallywood actress na si Angelina Jolie.




Sa video nga na ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram, ay makikita ang kanyang naging pagtayo sa mataas na bahagi ng kanyang ipinapatayong bagong bahay, kung saan ay walang takot umano niyang iniraos na magampanan ang karakter ng kanyang napiling role para sa Halloween at ito nga ay ang pagigging si Maleficent.

Makikita nga sa video ang naging pag-akyat ni Yassie sa mataas na bahagi ng kanyang ipinapagawang bahay, kung saan ay ang pagkapit lamang sa mga scaffolding ang naging daan niya upang marating ito.
Ayon naman sa aktres, naging maingat siya sa bawat hakbang na kanyang ginawa upang siya’y hindi mahulog at makarating ng maayos sa tuktok.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman) on

Narito nga ang naging caption ng aktres sa kanyang buwis-buhay na Instagram post;

“Almost fell shooting this video as I climed up the scaffolding without a harness lol but.. whatever.. Halloween only happens once.

“Well, well.. Would you want a Trick or would you want a Treat?” Maleficient #HappyHalloween @chocomuchoph”

“BTS of how I got to the 3rd floor of my construction site through the scaffolding for my last #Halloween2020 @ChocomuchoPH Trick or Threat post! I was careful!! Kasi… baka ma-fall Everything for the gram, they say Hello, @influencersinthewild HAHA”

Marami naman sa mga netizens, ang talagang humanga sa ipinakitang tapang at effort ni Yassi, upang magampanan ang kanyang pagiging si Maleficent noong Halloween.

“Hahahaha im proud of u nayyyy iba talaga pag laking fit n right.”
“Oppps! Grabe eh ypu are the risk I will always take. Ingat”
“Grabe ka yassi love napakatapang mo”
“Naku naku mahal naming Alyana magagalit na naman si Cardo nyan! But.. ang galing mo ah!”
“Parang mission imposible lang hahahha”




Samantala, ngayon ay patuloy pa rin nating napapanood si Yassi Pressman sa Kapamilya Primetime na “FPJ, Ang Probinsyano”, kung saan ay ginagampanan niya ang karakter bilang si Alyana na asawa ni Cardo Dalisay, ang karakter naman ni Coco Martin.

error: Content is protected !!