Connect with us

Entertainment

Yassi Pressman, Pinabilib ang Publiko sa Kanyang Taglay na Kagandahan sa Kanyang Mga Revealing OOTD Habang Nasa Amerika

Ang aktres, TV host at modelong si Yassi Pressman ay isa nga sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz. Sa taglay nga na napakagandang mukha ni Yassi, ay maihahalintulad nga ito sa isang dyosa na hindi nakakasawang pagmasdan.

Maliban naman sa kanyang angking kagandahan ay hindi maikakaika ang kanyang magandang hubog ng katawan. Idagdag na rin dito ang husay ni Yassi sa pagdala ng kasuotan na talaga namang bagay na bagay sa kanya. At sa kanyang magagandang suot nga, ay hindi maitatanggi ang pagiging isa niyang fashionista.


At kamakailan lamang nga, ay pinatunayan ni Yassi na ang kanyang angking kagandahan ay lulutang kahit saan pa man siya magpunta basta’t dala rin niya ang kanyang natatanging taste pagdating sa fashion.

Ilang buwan na rin ang lumipas magmula nang lumipad patungong Amerika si Yassi kasama ang kanyang kapatid na si Issa Pressman. At sa kanilang pagdating sa Amerika, ay talagang sinulit nila ang bawat oras para mag-enjoy.

Kaya naman si Yassi, ay talagang game na game sa kanyang pamamasyal kung saan nga ay tila ginawang runway ng aktres ang summer season sa Amerika. Ito nga ay dahil sa mga revealing na OOTD na kanyang suot na mas lalong nagpalutang ng kanyang mala-dyosang kagandahan.

Sa isang larawan nga ay makikitang namamasyal si Yassi sa makulay na kalye ng Los Angeles, kung saan nga ay masisilayan na bagay na bagay sa kanya ang kanyang suot na little white dress na binagayan ng beige open toe sandals.

Sa kanya namang suot na checkered suit, sports bra, capri pants, at white sneakers, ay talagang namang always on the go si Yassi sa kanyang pamamasyal at makikitang komportableng-komportable siya sa kanyang suot.

Sa litrato namang kasama niya ang sikat na rapper na si Offset ay makikita na bagay na bagay kay Yassi ang suot niyang oversized camoflouge shirt habang nakapose sa harap ng camera. Sa kanyang suot namang floral suit, matching black top, capri pants, na kinompleto ng kanyang pares ng heels, ay talaga namang ready to go sa kanyang date night ang magandang aktres.

Mas lalo namang pinasiklab ni Yassi ang summer season sa Amerika sa kanyang seksi at napakahot na suot na two piece swimsuit, jacket, cowboy boots at hat. Ang kanyang magandang hubog na katawan nga ay talaga namang litaw na litaw sa kanyang suot.

Tunay nga na saan man magpunta si Yassi, at kahit na anong klaseng damit ang isuot ay masisilayan parin ang kanyang natatanging kaseksihan at kagandahan.

Sa ngayon ay enjoy na enjoy parin si Yassi at kanyang kapatid sa pananatili nila sa Amerika. Samantala, patuloy namang napapanood si Yassi bilang host ng game show na “Rolling In It Philippines” na mapapanood sa TV 5.

error: Content is protected !!