Connect with us

Entertainment

Yassi Pressman, Nagbigay ng Update sa Bagong Bahay na Ipinapagawa na Alay Nila ng Kanyang Kapatid na si Issa Sa Yumao Nilang Ama

Ang aktres na si Yassi Pressman, ay hindi lamang nga taglay ang husay pagdating sa pag-arte, kundi taglay rin ang kahanga-hangang kagandahan at isa sa mga aktres na may natural at magandang mukha sa showbiz.

Credit: Yassi Pressman | Instagram

Mas lalo namang pinatunayan ni Yassi na sa pagpasok niya sa showbiz, ay hindi lang ang kanyang husay sa pag-arte ang hahangaan sa kanya, dahil may natatago rin siyang talento sa pagsayaw at sa pag-awit.

Ang natatanging talento ni Yassi sa pag-arte na mas lalong nagpabilib sa kanyang mga tagahanga ay kanyang napatunayan nang mapabilang sa cast ng action drama series ng Kapamilya network na “FPJ’s Ang Probinsyano”. Sa nasabing teleserye ay ginampanan niya ang role ni Alyana na leading lady ng bidang si Cardo Dalisay na ginampanan naman ni Coco Martin. Hindi maikakaila na talagang ginawa ni Yassi ang abot na makakaya para magampanan ng mabuti ang kanyang karakter.

Credit: Yassi Pressman | Instagram

Ngunit, dumating naman ang puntong namaalam siya sa teleserye dahilan para malungkot ang kanyang mga tagahanga. Matapos nga ang proyektong ito ni Yassi, ay pinagtuunan naman ng aktres ang kanyang personal na buhay.

Ngayon nga, ay abala si Yassi sa bahay na kanyang ipinapagawa. At kamakailan lamang nga sa isang Instagram post, ay masayang ipinasilip ng aktres sa kanyang mga tagahanga ang bagong kaganapan sa kanyang bahay. Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Yassi na itong under construction pa.

Credit: Yassi Pressman | Instagram

Sa pagbisita ni Yassi sa site ng ipinapagawa niyang bahay, ay hindi naman maitago sa mukha ng aktres ang labis na kaligayahan dahil ang inaasam niyang dream house ay malapit nang maisakatuparan.

Ang dream house na ito ng aktres, ay hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para rin sa kanyang pamilya. Sa katunayan nga nito, ay katuwang ni Yassi ang kanyang kapatid na si Issa Pressman sa pagpapagawa ng bahay. Ang magkapatid ay magkatulong ma tinutupad ang kanilang dream house na alay nila para sa kanilang ama.

Credit: Yassi Pressman | Instagram

At ngayon na unti-unti na nilang nasisilayan ang malaking pagbabago sa ipinapatayong bahay, at walang pagsidlan ng kaligayahan ang magkapatid. Hindi man masisilayan ng kanilang ama ang bahay na bunga ng kasipagan at pagsisikap nilang magkapatid kapag natapos na ang kanilang dream house, ay hangad parin nilang dalawa na maging proud ang kanilang yumaong ama sa nakamit nilang tagumpay at pagtupad sa kanilang dream house.

“Worked hard to give you this Dad…wish you were still here to see. But I know you’re always watching. I still want to try to make you proud when you look down. Love you five-ever.”

error: Content is protected !!