Connect with us

Entertainment

Yassi Pressman, Ibinahagi Ang Kanyang mga Pinagkakaabalahang Negosyo Ngayon Bilang Isang Matagumpay na Entrepreneur

Ang mahusay at napakagandang aktres na si Yassi Pressman ay patuloy sa pag-abot ng kanyang mga pangarap. Ngayon nga, na isa na siya pinakasikat na artista sa showbiz, ay hindi na nga maikakaila na malayo na ang kanyang narating.

Credits: Yassi Pressman | IG

Kaya naman, marami na rin ang mga naipundar ni Yassi na masasabing bunga ng kanyang sipag at tiyaga sa pagtatrabaho bilang isang artista at TV host sa industriya ng showbiz.

Kamakailan lamang ng ibahagi ng magandang aktres, ang ipinapatayo niyang dream house na kung saan ay malapit na ring matapos. Ngunit, maliban sa bunga ng kanyang pagsisikap na ito, ay pinasok na rin ni Yassi ang pagnenegosyo kung saan nga ay nagsisimula na rin ang kanyang tagumpay.

Ngayon nga na isa na siyang successful entrepreneur ay inamin ni Yassi na talagang nag-ienjoy siya sa kanyang ginagawa bilang isang negosyante. Maliban nga sa pagiging mahusay na aktres at TV host, ay pinasok na rin ni Yassi ang iba’t ibang investment.

Credits: Yassi Pressman | IG

At kamakailan lamang sa naganap na digital mediacon pagkatapos niyang mag-renew ng management contract sa Viva Artists Agency (VAA) ay naikwento ni Yassi sa Pep.ph ang ilan sa kanyang mga pinagkakaabalahang negosyo ngayon.

Unang pinasok ni Yassi ang Presidential Paws na isang shop ng dog accessories tulad ng collars, leashes, feeding bowls, at tote bags. Ang nasabing negosyo ay ni-launch ni Yassi noong December 2020, kung saan kasosyo niya rin sa negosyo ang kanyang kapatid na si Issa Pressman. Magmula naman nang buksan nina Yassi ang negosyong ito, ay maayos naman raw ang kanilang kita.

Credits: Yassi Pressman | IG

“Presidential Paws is actually opening the Philippine’s first dog park in BGC with Pet Me [Dog Park & Hotel], so it’s going to be the first dog park there off leash and we’re also going to do one in The Farm [at] San Benito.”

Maliban naman rito, ay distributor din si Yassi ng World’s Only Toothbrush Speaker System na Wavee. Ito naman ay isang high-tech toothbrush na puwedeng ikonek sa music streaming apps. At dahil nga patok ito sa masa, ay madalas umanong sold out ang kanilang Wavee, ayon kay Yassi.

Sa ngayon ay may bago na namang business venture si Yassi. At sa pagkakataong ito ay makikipag-partner siya sa iba’t ibang negosyante para magtayo ng nauusong Airbnb vacation home rental na matatagpuan sa Ontario, Canada na isang idyllic lake-front property. Proud nga itong ibinahagi ni Yassi sa nasabing panayam.

“I have I’ve been looking at property investment po and Canada was one of the places that’s why I was excited kasi ’yon po ’yung unang natapos because some of my partners are there and they’re able to build it. And then we’re on Airbnb.”

Credits: Yassi Pressman | IG

“And we’re just trying that out po. We have a couple of guests in and they’re having a great time,” proud na pahayag ni Yassi.

Ibinahagi naman ni Yassi na sa kabila ng 12 taon niyang pag-aartista, ay ngayon lang niya naeexplore ang mga bagay-bagay sa pagnenegosyo, dahil noon raw ay wala siyang panahon para rito dahil inaalagaan niya ang kanyang ama, na pumanaw noong Pebrero 2020.

“Before po kasi I was never able to put my one into these exploratory investments kasi I always took care of my father. Never ko pong inisip na I would have done it any other way. I will take pride in saying that I took care of my father ever since I was six years old.”

“I’m very happy how that has turned out and I want to continue making him proud by securing our future sa kahit ano pong paraan.”

Credits: Yassi Pressman | IG

Sa kabila ng pagkakaroon ng busy schedule ni Yassi, at isisingit pa ang pagnenegosyo, ay ibinahagi pa ng aktres ang kanyang paraan para mamanage ang kanyang mga business kasabay ng kanyang pag-aartista.

Credits: Yassi Pressman | IG

“I just try to time block kasi po I really want to grow more as an individual. Gusto ko po sana makapag-explore pa with my entrepreneurial side. Get advice from a lot of my friends. So, one of the advice is the time blocking.”

“Of course, hinding-hindi ko makakalimutan yung main bread and butter and my business for my family, which is acting of course, hosting of course, and performing for you guys. Pero I also want to grow Presidential Paws and Wavee.”

“So, time blocking lang para magawa lahat.”

error: Content is protected !!