Connect with us

Entertainment

Yassi Pressman, Enjoy na Enjoy Sa Kanyang Buhay Probinsya Habang Nagbabakasyon sa Isla ng Siargao

Kamakailan lamang nang mapabalita ang pagbisita ng aktres at TV host na si Yassi Pressman sa kanyang kaibigan na si Andi Eigenmann sa isla ng Siargao. Si Andi ay naninirahan ngayon sa Siargao kasama ang kanyang partner na si Philmar Alipayo at kanilang mga anak na sina Lilo at Koa, at panganay ni Andi na si Ellie.

Magmula ng magkasama sa pelikulang Camp Sawi ay naging magkaibigan na sina Yassi at Andi. Matagal na rin silang hindi nagkikita, kaya naman sa muli nilang pagkikita sa isla ng Siargao ay talagang nanumbalik ang masaya nilang samahan noon.

“I love when you see some of your real friends and years go by but everything just feels like yesterday. Don’t we look like we’re all sisters lang?? LOL. Wuvyu & your beautiful fam,”caption ni Yassi sa kanyang post kalakip ang larawan kasama ni Andi at mga anak nito.

Samantala, kasabay ng pagbisita ni Yassi sa kanyang kaibigan, ay ang masaya niyang karanasang buhay probinsya habang siya’y nagbabakasyon sa isla ng Siargao. Noong mga nakaraang araw, ay sunod-sunod ang post ni Yassi sa Instagram ng mga larawan at videos para ibahagi sa kanyang mga tagahanga ang kanyang masayang bakasyon sa isla ng Siargao.

Sa isang IG post ni Yassi kung saan ibinahagi niya ang maikling video, ay makikita na enjoy na enjoy siyang naliligo sa poso. Gamit ang tabo at timba na naglalaman ng tubig mula sa poso ay makikita ang saya at ngiti sa mukha ni Yassi habang siyang nagbabanlaw. Sa caption nga ng kanyang post ay pinasalamatan ni Yassi kanyang kapitbahay para siya’y makabanlaw ng katawan pagkatapos niyang magsurf.

“Buhay probinsya!!!!! 🖤The simple things! Salamat po sa mga kapitbahay na pinayagan ako na magrinse sa labas ng bahay nila bago umuwi after magsurf! Hihi lablab.”

Marami naman ang humanga sa ipinakitang kasimplehan ni Yassi habang siya’y nagbabakasyon sa isla ng Siargao at nag-eenjoy sa buhay probinsiya.

“Cutie,” comment ni Rhian Ramos.

“It’s really the simple things. This makes me so happy to see you still very down to earth after all these years,” komento ng isang netizen.

“Ay wow sihal jolansaavedra ang natatanging tagabomba,” hirit naman ni Andi Eigenmann.

Maliban rito, ay naispatan rin si Yassi sa iba pa niyang IG post na may dala-dala siyang helmet na tila galing sa isang masayang road trip. Makikita ring nilibot ni Yassi ang ilan sa mga magagandang lugar sa Siargao kasama ang kanyang mga kaibigan. At talagang enjoy-enjoy nga ang aktres sa kanyang pamamasyal.

Hindi rin pinalampas ni Yassi ang pagkakataong subukang mag-surfing. Sa kanyang Instagram account nga, ay ibinahagi niya ang maikling video kung saan siya ay nagsu-surfing lesson. Ang nasabing IG post naman ni Yassi, ay nilakipan niya ng mahabang caption, kung saan sinabi ng aktres na malaki ang naitutulong sa kanyang mental health ang pagbabakasyon at pagsubok ng mga bagong karanasan.

error: Content is protected !!