Connect with us

Entertainment

Yasmien Kurdi, Ipinasilip ang Napakagandang Condominium na Kauna-unahang Tirahan ng Kanyang Pamilya

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinasilip ng aktres at celebrity mom na si Yasmien Kurdi ang kanilang napakagandang condominium na kauna-unahang bahay ng kanilang pamilya. Marami nga sa mga tagahanga ng aktres ang nais masilayan ang bahay kung saan nagsimula ang kanilang pamilya. Kaya naman, pinaunlakan ito ni Yasmin sa isang vlog na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Si Yasmien ay ikinasal noong 2013 sa kanyang asawang si Rey Soldevilla, isang piloto. At sa pagsisimula nga ng pagbuo ng kanilang pamilya, ay naunang nanirahan ang mag-asawa sa isang condominium. Ang kanilang masayang pagsasama ay biniyayaan naman ng isang anak na babae na pinangalanang Ayesha Zara na isinilang ng aktres noong November 22, 2012.

Nakasama ni Yasmien sa kanyang paglilibot sa kanilang napakaganda at maaliwalas na condo ang kanyang asawang si Rey at anak na si Ayesha. Pagpasok pa lamang nga, ay masisilayan na ang ganda ng disenyo nito. Kapansin-pansin naman ang dami ng mga kabinet na nagsisilbing storage ng kanilang mga gamit. Ayon nga sa aktres, ay kailangan nila ng maraming lagayan dahil marami ang kanilang gamit. Kaya naman talagang nagpasadya si Yasmien ng maraming kabinet.

Photo credits: Yasmin Kurdi | Youtube

Samantala, makikita namang ang living room ng condo ay maaliwalas at malinis. Ibinunyag naman ni Yasmien ang sikreto upang magmukhang maaliwalas ang loob ng bahay, at ito nga ang paglalagay ng salamin. Ayon nga kay Yasmien, hindi talaga mawawala ang salamin sa loob ng kanilang bahay. Bukod kasi sa nakakapaaliwalas ito ng kapaligiran, ay kailangan rin nila ito dahil bago umalis ng bahay ay tinitiyak ng aktres na maayos ang kanilang hitsura.

Photo credits: Yasmin Kurdi | Youtube

Kapansin-pansin naman ang makikitang iba’t ibang klase ng obra sa loob ng kanilang condo na nagsisilbing derokasyon at nagbibigay kulay.

Photo credits: Yasmin Kurdi | Youtube

May dalawang balkonahe naman ang condo kung saan naman masisilayan ang tanawin na hatid ng lungsod. Ang isa nilang balkonahe ay nagsisilbi nilang garden dati at doon nga inaalagaan ng aktres ang kanyang mga halaman.

Photo credits: Yasmin Kurdi | Youtube

Pagbubunyag naman ni Yasmien, noong nagsisimula pa lamang sila ni Rey sa kanilang buhay mag-asawa ay nagbebenta sila ng perfumes para kumita ng pera. At laking pasasalamat nga ng aktres, dahil sa kanilang diskarte at kasipagan ay nakaraos sila sa buhay.

Ipinakita rin ni Yasmien ang iba pang bahagi ng condo tulad na lamang ng dining area, kitchen, silid ni Ayesha at master’s bedroom kung saan sila natutulog. Sa ngayon ay wala ng gaanong gamit na makikita sa condo, dahil nailipat na nila sa isa pa nilang bahay. Bumibisita na lamang sila sa condo paminsan-minsan.

Photo credits: Yasmin Kurdi | Youtube

Photo credits: Yasmin Kurdi | Youtube

Photo credits: Yasmin Kurdi | Youtube

Photo credits: Yasmin Kurdi | Youtube

Hindi naman maikakaila na napakahalaga ng condo na kanilang naging unang tahanan para sa kanilang pamilya. At dito nga sila unang bumuo ng mga masasayang alaala. Sa bawat sulok nga ng condo, ay mababakas ang masasayang alaala na kanilang pinagsaluhan noong naninirahan pa sila dito.

 

error: Content is protected !!