Connect with us

Entertainment

Yasmien Kurdi, Ipinasilip Ang Masayang Pagdiriwang ng 9th Birthday Ng Kanyang Anak Na Si Ayesha

Ang aktres at celebrity mom na si Yasmien Kurdi ay nagkaroon ng matagumpay na karera sa showbiz matapos mapabilang sa Final Four ng first season ng talent reality show StarStruck sa GMA Network.

Credits: Yasmien Kurdi | IG

Maliban naman sa pagkakaroon ng matagumpay na karera ni Yasmien, ay biniyayaan rin siya ng makulay na buhay pag-ibig sa piling ng kanyang asawa na ngayong si Rey Soldevilla Jr, isang piloto. At ang kanilang matamis na pagmamahalan ay biniyayaan ng isang anak na babae na pinangalanan nilang Ayesha Zara.

Si Ayesha ay isinilang ni Yasmien noong ika-22 ng Nobyembre 2012. At tila nga, hindi namalayan ang mabilis na paglipas ng panahon dahil ang cute na baby na isinilang ng aktres, kamakailan lamang ay nagdiwang ng kanyang ika-9th birthday.

Credits: Yasmien Kurdi | IG

Isa naman talaga sa pinakamahalaga sa buhay ng isang tao, ay ang pagdiriwang ng kaarawan. Kaya naman, para pasalamatan ang panibagong taong ipinagkaloob kay Ayesha, ay naghanda ang mag-asawang Yasmien at Rey ng isang selebrasyon. At para sa masayang kaarawan ni Ayesha ay nagkaroon siya ng isang Pokemon-themed birthday party.

Sa Instagram ay masaya namang ibinahagi ni Yasmien ang mga larawan na kuha sa masayang pagdiriwang. Sa kanyang post, ay mababakas nga ang labis na pagmamahal ng aktres sa kanyang anak. At dito nga, ay ipinaabot rin ni Yasmien ang kanyang puno ng pagmamahal na pagbati na kung saan ay nais makitang masaya ang kanyang anak sa espesyal na araw nito.

Credits: Yasmien Kurdi | IG

“You are such a positive, charming and absolutely adorable daughter. I am so proud that I get to call you my daughter because no other person could ever hope to compare to you. Happy birthday to my perfect little girl! We love you Ayesha Zara, love Mama and Papa.”

Makikita naman kung gaano kaganda ang naging set up ng venue ng birthday ni Ayesha. Kaya naman, sa kanyang post ay hindi rin nakaligtaan ni Yasmien ang pasalamatan sa kanyang post ang mga taong naging instrumento para maging maganda at matagumpay ang pagdiriwang ng kaarawan ni Ayesha.

Credits: Yasmien Kurdi | IG

“Special thanks to Ms. Anna of partybitzandpieces for making Ayesha’s 9th birthday special. Nakakaiyak ang ganda ng set up mo for her birthday. Mahal namin kayo!,”saad ni Yasmien.

Samantala, nakatanggap naman ng napakaraming pagbati mula sa netizens si Ayesha para sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. At karamihan nga ay tanging hangad ang makakabuti kay Ayesha at sa kanyang pamilya.

“Happy birthday liitle one. Enjoy your special day with your loved ones. Stay safe.”

Credits: Yasmien Kurdi | IG

“Happy birthday beautiful Ayesha, Godbless you.”

“Happiest 9th birthday Ayesha. Good health and Godbless you together with your mom and dad.”

error: Content is protected !!