Connect with us

Entertainment

Yasmien Kurdi, Ibinunyag Na Gumastos Lamang Ng Halagang P20,000 Nang Ikasal Sila Ng Kanyang Asawang Rey Soldevilla

Pinatunayan ng aktres na si Yasmien Kurdi na karapat-dapat nga talaga siyang mapabilang sa Final Four ng talent reality show na StarStruck ng GMA Network. Matapos ang kompetisyon ay bumuhos nga ang napakaraming proyekto sa kanyang karera dahilan nga ng tinatamasa niyang tagumpay ngayon.

Credits: Yasmien Kurdi | IG

Sa pagpasok ni Yasmien sa mundo ng showbiz, ay siya ring pagbabago ng kanyang buhay kung saan nga ay unti-unting natupad ang kanyang mga pangarap sa buhay. At isa naman sa talagang hinangad ni Yasmien, ay ang makatagpo ng isang lalaking magmamahal sa kanya ng tunay. Hindi naman siya nabigo dahil ipinagkaloob sa kanya ang isang mapagmahal at responsableng mister na tulad ng kanyang asawang si Rey Soldevilla, isang piloto.

Magmula nang maikasal noong 2013, ay talaga namang damang-dama ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Ang kanilang matamis na pagmamahalan ay biniyayaan ng isang babaeng anak, si Ayesha Zara na ngayon ay siyam na taong gulang na.

Credits: Yasmien Kurdi | IG

Hindi naman maikakaila na ang nanatiling matibay at matatag ang kanilang pagsasama. At pinatunayan nga nila na sila’y magsasama sa hirap at ginhawa. Sa isang vlog naman ay ibinahagi ni Yasmien na gumastos lamang sila ng halagang P20,000 para sa kanyang dream wedding.

Bagama’t pangarap ni Yasmien ang magkaroon ng isang magarbo at engrandeng kasalan, ay mas nanaig sa kanya ang pagiging praktikal. Mas pinili nga ni Yasmien ang magkaroon ng simpleng kasal, at ang perang gagastusin sa engrandeng kasal ay kanyang itinabi para makabili ng condominium na kanilang magiging tirahan.

Mas inuna ni Yasmien at ng kanyang asawa ang magkaroon ng bahay na nagsisilbi nilang tirahan. At sa nasabing building rin ng condo ginanap ang kanilang pag-iisang dibdib. Ayon pa nga sa aktres, ay hindi naman kailangan ng malaking halaga para lamang maikasal sa taong minamahal.

Credits: Yasmien Kurdi | IG

“Dito sa building na to sa Penthouse sa cafe, dito kami kinasal ni Pangga for only 20,000 pesos. Oh di’ba hindi kana kailangan gumastos ng napakalaki para lang ikasal sa iyong minamahal. Kasi we realized that we have to put our money dito sa condominium para hindi kami mag-renta ng bahay.”

Isa ngang napakagandang desisyon ang ginawa ng mag-asawa. Dahil nga nagsisimula pa lamang sila sa kanilang buhay bilang mag-asawa, ay magandang isaalang-alang ang bagay kung saan sila makakatipid. At dahil nga hindi rin nila kayang magkaroon ng engrandeng kasalan, ay may pinili nilang maglaan na lamang sa pagbili ng bahay na kanilang magiging tirahan.

“Kasi di’ba ang laki ng savings na matitipid namin kapag nakuha namin tong condominium na instead na gastusin namin sa isang big wedding. Altough hindi ko naman jina-judge ang mga taong may big wedding, kasi ako rin naman dream ko rin magkaroon ng big wedding someday,” dagdag pa ng aktres.

“Pero during that time talaga, hindi pa namin kaya ng ganun kagarbong wedding. Ang priority namin, nilaan muna namin dito sa bahay namin,” pag-amin ng aktres.

Credits: Yasmien Kurdi | IG

Inamin naman ni Yasmien na kahit kasal na sila ni Rey, ay umaasa rin siyang darating ang tamang panahon para matupad ang pangarap niyang magkaroon ng engrandeng kasal. Samantala, sa kanilang pagbisita sa kanilang condo, ay naikwento ni Yasmien na noong nagsisimula pa lamang sila at hindi pa financially stable ay gumagawa at nagbebenta sila ng pabango para makaraos sa kanilang mga gastusin.

Tunay nga na ang pagmamahalan nina Yasmien at Rey sa isa’t isa ay hindi nasusukat sa halaga ng pera. Sa halip nga, ay pinatunayan nilang kaya nilang mabuhay at makipagsapalaran sa hirap at ginhawa basta’t sila’y magkasama. At ngayon nga, ay magkasama nilang nilalasap ang tagumpay na kanilang pinaghirapan.

error: Content is protected !!