Connect with us

Entertainment

Yamyam Gucong, Walang Pagsidlan Ng Tuwa Matapos Ibalita Na Isang Baby Girl Ang Magiging Panganay Na Anak Nila Ng Kanyang Girlfriend

Walang pagsidlan ng tuwa ang PBB 2019 Big Winner na si Yamyam Gucong nito lamang ika-29 ng Enero, araw ng Sabado matapos niyang ianunsiyo sa publiko na isang baby girl ang inaasahan na magiging panganay na anak nila ng kanyang non-showbiz girlfriend.

CREDITS: Yamyam Gucong | IG

Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Oktubre, ay masayang isinapubliko ni Yamyam sa madla ang kanilang engagement ng kanyang non-show girlfriend. Kasunod nga nito, ay ibinalita naman ni Yamyam ang isang napakagagandang biyaya na kanyang natanggap. At ito nga ay ang maging isang ganap na ama sa kanyang baby girl na magiging panganay na anak nila ng kanyang kasintahan.

CREDITS: Yamyam Gucong | IG

Sa kanyang Instagram account, ay ibinahagi ng soon-to-be father ang isang larawan ng sonogram, kung saan may makikitang nakasulat na “Baby girl” sa nasabing larawan. Patunay lamang nga nito na isang baby girl ang paparating na sanggol na siyang bubuo sa kanilang pamilya. Ang nasabing larawan naman ay nilakipan ni Yamyam ng simpleng caption na “Coming Princess”.

CREDITS: Yamyam Gucong | IG

Marami namang natuwa sa mga tagahanga ni Yamyam sa paparating na biyaya sa kanyang buhay. Inulan nga ng komento ng pagbati ang IG post ni Yamyam mula sa kanyang mga tagahanga.

“Priceless gift from God. Congrats kuya Yam”

“Wooow. God bless you soon baby girl”

“Wow congrats kuya yamyam”

Maliban sa kanyang napakaraming tagahanga ay nakatanggap rin ng pagbati si Yamyam mula sa kanyang malalapit na kaibigan sa showbiz. At ang ilan nga sa mga ito ay mga kasabayan niya sa PBB tulad na lamang nina nina Andre Brouillette, Fumiya Nishida, Lou Yanong at Mikey Perz.

CREDITS: Yamyam Gucong | IG

Sa pagpasok pa lang ng taon, ay hindi naman maikakaila na puno na ng saya at biyaya ang buhay ni Yamyam kapiling ang kanyang soon to be wife. Sa pagbuo ng kanilang pamilya ay tiyak na magiging masaya at makulay ito dahil sa kanilang baby girl na malapit na nilang masilayan.

CREDITS: Yamyam Gucong | IG

Noong Disyembre 8 naman, mismong araw ng pagdiriwang ng kaarawan ni Yamyam, ay kapansin-pansin na ang nakaumbok na baby bump ng kanyang kasintahan. Isa namang napakagandang hiling ang nais ni Yamyam sa araw ng kanyang birthday. Walang iba kundi ang mabigyan siya ng kaligayahan na siyang mag-aalis ng kanyang kalungkutan.

CREDITS: Yamyam Gucong | IG

“I dont need more money I need happiness that wash all my sadness happy birthday to me”.

At tila nga ito’y nabigyang katuparan na sa piling ng kanyang nobya, at paparating nilang baby girl.

Ang 28 anyos na si Yamyam Gucong ay nakilala sa industriya ng showbiz matapos maging kalahok ng reality show na Pinoy Big Brother noong 2019, at tanghaling Big Winner.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yamyam gucong (@gucongyamyam)

error: Content is protected !!