Connect with us

Entertainment

Yam Concepcion, Ikinasal na sa Kanyang Non-showbiz Boyfriend sa New York

Nakamit na ng aktres na si Yam Concepcion ang kanyang inaasam sa kaligayahan sa kanyang buhay pag-ibig ngayon.

Nito lamang ika-25 ng Hulyo ay ikinasal na ang aktres na si Yam Concepcion sa kanyang non-showbiz at long time boyfriend na si Miguel Cuunjieng.

Ang kanilang sagradong kasalan ay nasilayan ng publiko matapos ibahagi sa Instagram ng ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe ang isang larawan kung saan makikita ang bagong kasal kasama ang columnist na si Tim Yap.

Makikita naman sa background ng nasabing larawan ang sikat na Statue of Liberty na matatagpuan sa Liberty Island sa New York Harbor.

Ayon kay MJ, ay naganap ang pag-iisang dibdib nina Yam at Miguel sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremony na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan at pamilya.

“THIS JUST IN: Congratulations, Mr and Mrs Miguel and Yam Cuunjieng. The couple exchanged ‘I do’s’ in an intimate civil ceremony attended by family members and close friends,”caption ni MJ sa kanyang post sa Twitter.

Samantala, nagbahagi naman si Tim Yap ng mga larawan at video na kuha sa pag-iisang dibdib nina Yam at Miguel. Naging kakaiba naman ang pag-iisang dibdib ng dalawa, dahil nakasakay sila ng isang barko habang nagpapalitan ng kanilang sumpaan.

Ang nakakaantig namang parte ng wedding vow ng bagong kasal ay hindi rin pinalampas ni Tim Yap na makunan. Ang mensahe na puno ng emosyon at pagmamahal na pangako ni Yam sa kanyang asawa na ngayong si Miguel ay talaga namang nasaksihan ni Tim at iba pa nilang kasamahan.

“I will always believe that it wasn’t only fate that brought us together. It was our constant effort of making time for each other, whether it be video calls, leaving voice messages, or extra-long texts,” ayon kay Yam.

Ang aktres na si Yam at ang long-time boyfriend niyang si Miguel ay anim na taon ng magkarelasyon bago ma-engaged sa isa’t isa. Matatandaan na noong nakaraang buwan lamang ng ianunsiyo ni Yam sa publiko ang kanilang engagement.

Ngunit, base sa isang vlog na inilabas ng aktres ay noong 2018 pa siya engage sa kanyang boyfriend kung saan ay naganap sa Niseko, Japan.

Si Lorraine May “Yam” Concepcion ay isang sikat na aktres na kung saan nagsimulang makilala sa industriya ng showbiz noong 2013 sa teleseryeng Dugong Buhay kung saan ay nakasama niya si Ejay Falcon at Arjo Atayde. Sa ngayon, ay mas lalong pinapabilib ni Yam ang kanyang mga tagahanga sa kanyang husay sa pag-arte sa pinagbibidahan niyang teleserye na “Init sa Magdamag”.

error: Content is protected !!