Connect with us

Inspiring

Xian Lim, Tinupad ang Kahilingan ng kanyang Lolang May Sakit na Makita sa Isang Silid ang mga Paboritong Koleksiyon nito

Tunay nga na ang mapaligaya ang mga mahal natin sa buhay kahit sa simpleng paraan lamang, ay malaking bagay na para sa kanila. Hindi nga, matatawaran ang kaligayahan nila kapag nakatanggap ng surpresa. Sa paraan namang ito, naipapadama natin sa kanila ang ating pagmamahal.




Ang Kapamilya aktor nga na si Xian Lim ay hindi nagsasawang iparamdam sa kanyang Lolang may sakit ang kanyang pagmamahal. Ang Lola ni Xian ay na-diagnosed na may breast [email protected] At noong August 25, ay ibinunyag ng aktor ang pakikipaglaban nito sa [email protected] sa pamamagitan ng emosyunal na video.

Sa nasabing video ay nagbigay siya ng nakakaantig na mensahe sa kanyang mga tagahanga na mahalin at wag balewalain ang mga mahahalagang tao at mga mahal natin sa buhay habang may panahon pa upang makasama sila.

At kamakailan lamang, Setyembre 25, nang pasayahin ni Xian ang kanyang Lola matapos niyang tuparin ang kahilingan nitong makita sa isang silid ang makukulay na koleksiyon nito ng mga clowns. Sa Instagram, ay masayang ibinahagi ng aktor ang larawan ng silid na kanyang inilaan at inayos para sa clown collection ng kanyang Lola.

Makikita sa larawang ibinahagi ng aktor ang mga clowns na nakalagay sa mga glass shelves na talaga namang kitang-kita ang ganda ng mga makukulay na clowns.

Samantala, ayon naman ni Xian, ay kahilingan umano ito ng kanyang Lola bago pa man sumailalim sa mastectomy upang tanggalin ang isang dibdib nito noong nakaraang buwan. At bago pa man dalhin sa hospital ang kanyang Lola para sa operasyon ay tinanong niya ito kung ano ang nais nito upang agad na bumalik ang lakas. At ang tanging hiling ng kanyang Lola ay makita sa iisang lugar ang kanyang koleksiyon ng mga clowns.




“Wish granted for my lola. Before we brought her to the hospital, I asked her what she wanted para mapabilis ang balik ng lakas niya and she told me that she wanted to see her clown collection in one place. This is the final product and she was thrilled and excited to see it all on display.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm) on

Makikita naman na mukha ng Lola ni Xian ang saya habang pinagmamasdan ang kanyang mga magaganda at napakaraming clowns na nakadisplay sa lagayang salamin.

Nagbigay naman ang aktor ng update patungkol sa kalagayan ng kalusugan ng kanyang Lola na ngayon nga ay patuloy na nagpapagaling at hinihintay na lamang ang pahintulot ng doktor para sa chemotherapy.

“She is now recovering and we’re waiting for the doctors to give a go signal for her chemotherapy.”

Ibinahagi rin ni Xian na ang sunod na kahilingan ng kanyang Lola ay makita naman ang mga likha nitong cross stitch na naka-frame.

“My lola’s next wish list for me is to frame all her cross stitch….. All 150+ works that accumulated through the years! Mukhang kakayanin naman.”

error: Content is protected !!