Connect with us

Entertainment

Xian Lim, Nakatanggap ng Samu’t Saring Komento Mula sa Netizens Matapos Magmotor Sa Gitna ng Bagyo at Rumaragasang Baha

Nitong nakaraang linggo lamang ay sunod-sunod na araw nang inuulan ang buong Metro Manila dahil na rin sa bagyo na mas pinalakas pa ng habagat. At ang matinding pag-ulan na ito, ay nagdulot rin ng pagbaha sa ilang bahagi ng lungsod. Dahilan nga, upang malagay sa alanganin at maipit sa gitna ng matinding trapik ang mga motorista.

Photo credits: Xian Lim | IG

Hindi naman talaga madali ang magmaneho sa gitna ng matinding baha, at ulan. Kaya naman, talagang dapat ring mag-ingat upang disgrasya ay maiwasan at huwag mapahamak sa pagmamaneho.

Photo credits: Xian Lim | IG

Katulad na lamang nga ng aktor na si Xian Lim na pinag-alala ang kanyang maraming mga tagahanga matapos matapang na sinagasa ang bagyo at magmotor sa rumaragasang baha sa gitna ng kalsada sa Metro Manila.

Sunod-sunod ang naging pagpost ni Xian sa kanyang Instagram, kung saan ay makikitang nasa gitna siya ng baha habang nakatigil sa pagmamaneho at tila ang tubig ng baha ay malapit ng umabot sa kanyang tuhod. Sa halip na mangamba ang aktor, ay tila inenjoy nito ang sandali habang lulan ng kanyang big bike sa gitna ng baha.

Caption nga ni Xian sa kanyang post,“Life is not about waiting for the storm to pass, it’s all about dancing (or in my case) RIDING in the rain. I’ll try to post a vlog in my channel later tonight, i’ll keep you guys updated!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

Nagbigay rin ng paalala si Xian sa kapwa niya bikers na mag-ingat sa kanilang pagmamaneho lalo na ngayong panahon na maulan kung saan madulas ang kalsada at may baha.

“Ride safe mga ka-bikers!”

Samantala, matapos namang ibahagi ni Xian ang kanyang larawan sa social media ay agad itong dinagsa ng mga komento mula sa netizens.

Ang ilan nga ay talagang ipinakita ang pag-aalala sa aktor. At may ilan rin namang nagawang biruin ang aktor sa ginawa nitong pagragasa sa baha. May nagbanggit rin sa pangalan ng kasintahan ni Xian na si Kim Chiu na umanoy pinag-alala nito ang nobya sa anumang kapahamakan maaaring mangyari dahil sa kanyang pagmamaneho sa gitna ng baha.

The benefit of riding a big bike @xianlimm. Keeps you safe.”

“Nag alala tuloy si Kimmy sayo Xi next time tingin muna weather forecast, anyways mababait naman mga ksama mong bikers, ingat ingat lagi.”

“Ikaw talagang bata ka…..tini text ka na ng crush mo sa NDRRMC ng walang humpay…larga ka pa nang larga!”

“Bawal magkasakit Xian Lim! Ingat lagi kayo dalawa ni Kimmy! u both!”

“Ok na yan Xian…tama na. Madulas ang kalsada. Pag-umaraw na lang saka ulit mag-bike at sana kasama si Kim.”

“Kaya next time Xi, u listen to ur crush from NDRRMC bago mag motor day! Just be careful & stay safe!”

May humanga rin kay Xian dahil sa kanyang kakaibang karanasan bilang isang biker na pinatunayan na kaya niyang suungin ang matinding baha sakay ng kanyang magarang big bike.

“Bravo Xian, have more vivid experiences to share having actually gone through the depths of the flooded avenue. Take care, be home safely always with Ducati big motorbike.”

error: Content is protected !!