Connect with us

Entertainment

Xian Lim, Labis ang Kaligayahan Matapos Matupad ang “Dream Date” Kasama ang Kasintahang si Kim Chiu

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang director-actor na si Xian Lim matapos matupad ang pinakainaasam niyang bagay at matagal na niyang nais gawin kasama ang kanyang kasintahan na si Kim Chiu. Ito nga ang kanyang dream date na long ride na tinupad ni Kim.

Kamakailan lamang nga, ay masayang nag-bonding ang magkasintahan. Espesyal ang araw na ito para kina Zian at Kim, dahil ito ang unang pagkakataong magkasama silang nag-long ride sakay ng motorsiklo. At ayon kay Xian, ang makasama ang kanyang reel and real life partner sa isang long ride ay maituturing na dream come true.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

Dahil nga, talagang pinasaya ni Kim si Xian sa pagtupad ng isa sa kanyang mga pangarap, ay isa namang nakakaantig na mensahe ang ipinaabot ng aktor sa kanyang nobya na kanyang ibinahagi sa Instagram.

“Exploring the world with you is the best feeling I could ever ask for,”sweet na mensahe ni Xian.

Samantala, makikita naman sa mga larawang ibinahagi ng aktor, na nakasuot ang magkasintahan ng kanilang motorcycle OOTD. Sa may kahabaang mensaheng ibinahagi ni Xian, ay mababakas ang labis niyang pasasalamat sa kanyang girlfriend. Ang makaangkas ang nobya sakay ng motorsiklo at mabisita ang ilang lugar na hindi pa nila napupuntahan, ay kakaibang kaligayahan ang hatid kay Xian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

“I remember months ago while I was training in @mxmessiah, I told coach @samtamayo na someday, I’ll be able to ride a motorcycle and have Kim in the backseat and we’ll be able to travel to places we’ve never set foot in.”

Ibinahagi rin ni Xian na hindi niya akalaing mangyayari ang araw na ito kasama si Kim. Talaga namang masayang masaya ang aktor, dahil natupad na ang kanyang pangarap na long ride kasama ang nobya. Kaya naman, labis ang pasasalamat ni Xian kay Kim sa hindi makakalimutang karanasang ito sakay ng big bike.

“Through hard work and patience, grabe I never thought this day would come…nakakatuwa lang because again, in the previous moto posts, throughout the time that I started riding, I got to meet wonderful people who share the same passion as I do,” sabi pa ni Xian.

“Nakaka-happy that this is our first time to explore on a big bike. It is such a different experience. I love you for trusting me. Thank you!”

Sa huli ay taimtim naman ang kanyang naging dasal na sana raw ay magkaroon pa sila ng mas maraming rides na magkasama.

“To more rides, to exploring the world. to trusting in Him that nothing that ever happens to us is a coincidence. It is through faith, knowing and believing that everything will fall in to place.”

Matapos naman mabasa ang nakakaantig na mensahe ni Xian, ay agad naman itong sinagot ni Kim at sinabi:

“As long as you are happy!! Kahit mega init, laban lang!! Hahahaha! thanks Xi!!”

error: Content is protected !!