Connect with us

Entertainment

Xian Lim, Ipinasilip ang Ipinagawang Elevator Para sa Kanyang Lola sa Kanilang Tahanan

Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Agosto, nang ibahagi ng Kapamilya actor na si Xian Lim, na ang kanyang lola ay nakikibaka sa sakit na cancer. Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Xian, at ng kanyang pamilya nang malaman ang sakit ng kanyang lola. Hindi naman maitatanggi na mahal na mahal ni Xian ang kanyang lola.

Kaya naman, anuman ang hilingin nito ay talagang ipinagkakaloob ni Xian, para lamang mapasaya ang kanyang lola. Matatandaan nga, na nang nasa hospital ang kanyang lola, ay hiniling nito sa apo na makita ang mga koleksyon ng makukulay na clowns sa iisang silid. Agad nga nitong tinupad ang kahilingan ng kanyang lola, at sa pag-uwi nito ay labis ang kaligayahan.




Hindi naman dito natatapos ang pagmamahal ni Xian sa kanyang lola. Dahil ngayong panahon ng pademya, kung saan ay nananatili lamang sa tahanan ang kanyang lola, ay isa na namang bagay ang ibinigay ni Xian na nagpasaya rito.

Ito ay matapos magpagawa ni Xian ng elevator para sa kanyang lola upang hindi ito mahirapang umakyat-baba sa hagdan sa kanilang bahay. At kamakailan nga, ay masayang ibinahagi ni Xian sa Instagram, ang maikling video, kung saan makikitang sakay ng elevator ang kanyang lola upang subukan ang bagong gawang elevator.

Saad nga ni Xian,“This is my lola’s reaction after trying our newly built elevator.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

Pagbabahagi naman ni Xian, ay mas pinili ng kanyang lola ang silid sa ibaba. Ngunit, kahit nga matanda na ito, ay umaakyat-baba pa rin ito upang bisitahan ang mga koleksyon ng cross-stitch at nakikita ni Xian na nahihirapan ang kanyang lola kung kaya’t nagpagawa na siya ng elevator. At para na rin magamit ng iba pang senior sa kanilang bahay.




“My grandma chose the room downstairs because she literally has hundreds of cross-stitch collections and she wants it all by her side. She goes up and down the stairs and ayaw magpapigil…even if I had set up her own room upstairs. A few months have passed and I finally decided to acquire this lift and I’m just so amazed with the final product.”

Samantala, ibinahagi naman ni Xian na sa loob ng tatlong buwang pananatili sa bahay ngayong pandemya, ay mas lalo niyang nalaman kung gaano kahalaga ang magkaroon ng oras sa pamilya.

“Throughout the course of the pandemic (3 month lock down), I got to spend time with @mommymaryanne, my lola and lolo and realized how much family time is of huge importance…sometimes we get too caught up in so much work and we forget what truly matters most.”

Pagtatapos naman ni Xian sa kanyang post, ay ibabahagi umano niya ang vlog kung paano ginawa ang elevator sa kanyang mga tagahanga. Dagdag naman ng aktor, ay masaya ito dahil sa wakas ay hindi na mahihirapan sa pag-akyat-baba ang mga senior na kasama niya sa bahay.

error: Content is protected !!