Connect with us

Entertainment

Xian Lim, Hinarap ang Kanyang “Fear of Height” Matapos Matapang na Subukan ang Skydiving sa Bansang Dubai

Lahat nga naman tayo ay may kinakatakutang bagay, ang iba ay takot sa dilim, may mga taong takot sa manyika, at mayroon din na takot sa mga matataas na lugar o kung tawagin nga ay ang ‘fear of height.’

Ang aktor na si Xian Lim ay isa lamang sa mga taong may takot sa mga matataas na lugar o fear of height, at ito ay minsan na nga niyang ibinahagi sa mga naging panayam sa kanya at sa kanyang mga vlogs. Ngunit kamakailan nga lamang ay tila nagkaroon ng lakas ng loob si Xian na harapin ang kanyang takot na ito.

Photo credits: Xian Lim |IG

Kamakailan nga lamang ay bumisita sa bansang Dubai si Xian, kung saan ay kasama niya ang ilan sa mga Kapuso artist tulad na lamang ni Julie Ann San Jose at ang nanalo sa The Class: Season 3 na si Jessica Villaburin. At sa pamamasyal niya sa nasabing bansa, isa nga sa mga aktibidad na sinubukan niya ay ang pag-skydiving.

Photo credits: Xian Lim |IG

Kahit nga takot sa heights o matataas na lugar ang Kapuso actor, ay lakas loob nga niyang sinubukan ang skydiving, at matapos niya nga itong matagumpay na magawa, ay proud nga niya itong ibinahagi sa kanyang social media account.

Tunay ngang hindi madali sa isang tao ang subukan o gawin ang isang bagay na labis nilang kinatatakutan at kinakailangan talaga ng matinding pagkukumbinsi sa sarili at katatagan ng puso upang magawa nilang harapin ano man ang bagay na nagbibigay ng takot at kaba sa kanila, kung kaya naman talagang proud na proud si Xian Lim dahil nagawa niyang harapin ang isang bagay na noon pa man ay kanya ngang kinatatakutan.

Photo credits: Xian Lim |IG

Noong ika-1 ng Abril ay ibinahagi nga ni Xian sa kanyang Instagram account ang experience niyang ito sa Dubai. Kuwento pa niya, matagumpay niyang naharap ang kanyang takot at nagawa ang pag-skiydiving sa tulong na din ng instructor na nag-guide sa kanya habang nasa himpapawid.

Photo credits: Xian Lim |IG

“When fears are grounded, dreams take flight”, ang naging saad ng aktor sa unang bahagi ng kanyang IG post.
Dagdag pa niya, “Tinatapik ako ng instructor ang kulit ko daw sa ere.. kung ano-anong hands gesture ang ginagawa ko, gumigiwang aerodynamics.”

Photo credits: Xian Lim |IG

Proud na proud din naman ang kasintahan ni Xian na si Kim Chiu para sa aktor, at sa Instagram story nga ng aktres ay ibinahagi pa nito ang larawan ng nobyo habang nag-skydiving at nilakipan ng caption kung saan ay inihayag niya ang pagiging proud niya para rito at pagka-inggit dahil nagawa nito ang bagay na noon pa man ay pangarap na din niyang gawin at subukan

“Grabe! Nainggit ako! Bucket list ko talaga, ito! Ikaw pa nauna! Congrats Xi, proud of you!”, saad nga ni Kim.

error: Content is protected !!