Connect with us

Entertainment

Xian Gaza, Isiniwalat Ang Matinding Pag-aaway Diumano Ng Celebrity Couple Na Sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga Sa Isang Hotel Sa Tagaytay

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang isyu patungkol sa matinding pag-aaway ng magkasintahang sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga. At ang pasimuno nga sa isyung ito ay ang isa ring “Marites” na si Xian Gaza na madalas ring ilantad sa publiko ang mga chismis patungkol sa mga sikat na artista sa showbiz.

At kamakailan nga ay ang magkasintahang sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga na naman ang naisipang pag-usapan ni Xian. Sa kanyang Facebook account, ay ilang ulit ang ginawang pambabatikos ni Xian ang dalawa. Noong una ay hindi pansin ng magkasintahan ang kontrobersyang ibinabato sa kanila, ngunit noong huli nga’y hindi na rin nakatiis ang dalawa at nagpasaring na rin sila kay Xian, kahit hindi nagbigay ng pangalan.

Bilang tinaguriang “Marites” sa social media na talagang hindi nagpapahuli sa mga isyu, ay hindi naman tumigil si Xian sa pambabatikos kina Barbie at Diego kung saan ay naglabas pa nga ng ebidensiya para patutuhanan ang kanyang mga sinasabi. Nauna munang nanawagan si Xian sa kanyang mga followers sa Facebook upang makakalap ng impormasyon.

Nasundan naman ito ng pagsisiwalat na nagkaroon umano ng matinding pag-aaway sina Barbie at Diego sa isang hotel sa Tagaytay. Ito nga ay naganap diumano noong kasal ni Hashtag member Niko Natividad. Ayon pa nga sa Marites ng bayan na si Xian, ay narinig rin daw ng iba pang guest ng hotel ang pag-aaway nina Barbie at Diego sa hotel room.

At sa pag-check out di umano ng magkasintahan, ay doon nakita ang bakas ng matinding pag-aaway na nangyari sa dalawa. Makikita nga raw na magulo ang kwarto at marami ring gamit ang nasira, na ultimo bote ng wine ay basag-basag matapos diumanong ibinato sa aircon.

“Kompirmd mga Mars! Barbie Imperial and Diego Loyzaga, nag-check out sa Escala Tagaytay last November 1 na sira-sira at basag-basag ang buong kwarto matapos mag-away nang malala. Ultimo bote ng wine ay ibinato sa aircon.”

Maliban rito, ay ibinahagi pa ni Xian ang zoom photo ng magkasintahan, kung saan nagpapatunay ng kanyang sinasabi. Makikita sa larawan na may pasa si Barbie sa kanyang braso sa latest photo nila ni Diego. Habang si Diego naman ay tila may sugat naman sa kanyang daliri at makikitang nakabalot ito.

Hindi pa dito natatapos ang rebelasyon ni Xian, dahil ibinahagi rin niya ang larawan ni Diego kung saan nagpapatunay na nagtungo nga ang aktor sa Escala Hotel sa Tagaytay. At tila nang-aalaska pa si Xian sa aktor, at tinanong pa ito kung kamusta ang pamamalagi sa hotel.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang magkasintahang sina Barbie at Diego kaugnay sa kontrobersiya.

error: Content is protected !!