Connect with us

Entertainment

Wynwyn Marquez, Masayang Ibinahagi Na Isang Baby Girl Ang Kanyang Inaasahang Magiging Panganay Na Anak

Isang panibagong yugto sa kanyang buhay ang haharapin ng actress-beauty queen na si Wynwyn Marquez. At ito nga ay ang pagiging isang ina sa kanyang panganay na anak na ngayon nga ay nasa sinapupunan pa lamang niya.

Photo credits to the owner

Bilang isang first time mom nga ay hindi maitago ni Wynwyn ang kanyang excitement sa kanyang magiging journey bilang isang ina. Maitururing naman na isang napakagandang biyaya ang pagkaloobang ng isang sanggol. Kaya naman, hindi pinalampas ni Wynwyn ang pagkakataon na magkaroon ng isang thanksgiving party. Bilang paghahanda naman sa pagdating ng kanyang anak, ay nagkaroon naman ng gender reveal party.

Photo credits to the owner

Sa kanyang latest vlog na mapapanood sa kanyang YouTube channel, ay ibinahagi ni Wynwyn ang masayang kaganapan sa naganap na thanksgiving at gender reveal party. Makikita sa video na kompleto ang pamilya ni Wynwn, kung saan nga ay naroon ang kanyang mga magulang na si Joey Marquez at Alma Moreno para ipakita ang pagsuporta sa kanilang anak.

Photo credits to the owner

Sa unang bahagi ng video ay mapapanood ang pagbibigay ng mensahe at pagbati ng kanilang pamilya at mga kaibigan para sa landas na tatahakin ni Wynwyn at ng kanyang non-showbiz partner bilang mga magulang. At karamihan nga sa mensahe, ay talaga namang puno ng saya at mga positibong kahilingan para sa bubuuing pamilya ni Wynwyn at ng kanyang partner.

Photo credits to the owner

Makikita na may hawak na black balloon sina Wynwyn at ang kanyang partner para malaman ang kasarian ng kanilang panganay na anak. At nang putukin na nga nila ang lobo ay bumulaga ang kulay pink na usok at confetti. Ibig sabihin lamang nga nito, ay isang baby girl ang kanilang magiging panganay na anak.

Hindi nga maitago ni Wynwyn ang kanyang labis na kaligayahan nang malaman na isang babae ang kanyang ipinagbubuntis na inaasahan niyang isilang ngayong 2022. Sa labis na tuwa ni Wynwyn ay nayakap pa niya ang kanyang non-showbiz partner. Masisilayan rin sa mga kasama nila na masayang-masaya rin ang mga ito para sa soon to be parents. Ang soon to be lolo at lola naman na sina Joey at Alma ay masayang-masaya rin para sa kanilang anak. Kapansin-pansin naman na tinakpan ang mukha ng partner ni Wynwyn, at ito nga ay dahil “very private

person” raw ito.

Photo credits to the owner

Sa kanyang Instagram account, ay ibinahagi rin ni Wynwyn ang naging resulta ng gender reveal, kung saan nga ay malapit na siyang maging ina sa isang napakacute na baby girl.

“Page 365 of 365. 2021 gave me the best things despite our situation now.. aside from the blessings I recieved from work, God gave me a partner who gives me infinite love and support and a baby to complete our family. We can’t wait to meet YOU my love! Happy New Year everyone!!”

error: Content is protected !!