Connect with us

Entertainment

Wowowin Host Hipon Girl ‘Pinakilig’ Ng US Navy Na Tagahanga Matapos Muling Bumalik Ito Para Lang Sa Kanya

Sa araw-araw na nakatutok tayo sa Kapuso Variety Game Show na Wowowin sinu ba ang hindi maaaliw sa host na si Hipon Girl na kapag napanuod at matutuwa ka talaga. Sa mga simple pero nakakatuwang banat niya, sa pagbitaw ng mga sarili niyang linya maging ang pagiging natural niya sa harap ng kamera.

Tunay na nahuli at nabihag niya ang kiliti ng mga manunuod. At sa tuwing may nakakatuwang siyang video katulad na lang nung aksidente siyang madulas at maging ng humingi pa siya kay Willie ng pagkakataon dahil sa pag-aakalang aalisin na siya sa show.

Masasabing pinuno niya na talaga ng hindi lang nakakatawang eksena ang sikat na show kundi maging ng makabagbag damdamin na eksena na tiyak na umantig sa bawat puso ng manunuod. Masasabing malaki na talaga ang nabago sa buhay ng dating studio contestant na si Herlene Budol na mas kilala nating bilang Hipon Girl.



Mula sa pagiging contestant para sa portion na Pera O Kahon ay ganap na siyang co-host ng Kapuso Commediene na si Willie Revillame. At sa pagiging isa sa mga co-host marami na ang nakapanuod at humanga sa angking niyang galing at ganda.

Samantala muling pinasaya at pinakilig ni Herlene ang mga manunuod ng Wowowin maging ang maraming netizen ng muling bumalik ang foreigner na tagahanga niya para lang muli siyang makita at makausap ng personal.

Matatandaang nitong taon lang ay nagkita na sila ng foreigner na si Patrick isang US Navy, pumunta lang dun ang gwapong sundalo para manuod ng nasabing show. Samantala hindi naman pinalampas ni Willie na hindi silang biruin dalawa maging ng mga kapwa niya co-host.

At sa muli nga nilang pagkikita ay tuwang tuwa at kilig na kilig ang mga audience lalo na ng bigyan niya ng bulaklak at tsokolate maging ng isang sumbrero na na ayon pa kay Patrick ay natural sa kanilang mga US Navy.

Sa kabilang banda inamin ni Patrick na noong una pa lang ay hinahangaan na niya si Herlene. Ilang mga tagahanga naman ang tuwang tuwa at masayang nagpahatid mensahe kay Herlene at Patrick,



“Belle Martinez Ang saya. Im happy for Harlene.I hope his intention is clear and honest. God bless them”,

“Lus Silvestre Patrick you are the most handsome in the Philippines celebrity everyone adore you”, “Geraldine Malaluan Herlene deserves all the happiness in life”.

Talagang pinatunayan ni Herlene ang kanyang taglay na kagandahan hindi lamang sa panlabas na anyo maging ang malinis na kalooban na hindi lang bumihag sa ating mga Pinoy.

error: Content is protected !!