Connect with us

Stories

Wowie De Guzman, Isang Proud Single Parent sa Kanyang Anak na Nagampanang Mabuti ang Tungkulin at Responsibilidad ng Isang Magulang Matapos Maagang Mabiyudo

Isang napakabigat na responsibilidad ang nakaatang sa balikat ng pagiging magulang. At kaakibat nga ng pagiging isang magulang ay matindi ring pagsasakripisyo, pagtitiis at kasipagan upang mabigyan ng magandang buhay ang mga anak. Dahil nga, hindi makakatiis ang sinumang magulang na makitang nahihirapan ang kanyang anak, at talagang ipinapakita ang pagmamahal, ay gagawin ng isang magulang ang lahat ng kanyang makakaya mapasaya at mabigyan lamang ng magandang buhay ang kanyang anak.

Ngunit, kung ang magkatuwang nga sa buhay na magkasamang itinataguyod ang mga anak, ay nahihirapan sa kanilang tungkulin at responsibilidad, paano pa kaya ang isang single parent na mag-isa sa kanyang tungkulin at responsibilidad?

Hindi nga madali ang pinagdaanan ng dancer-actor na si Wowie De Guzman na mag-isang ginampanan ang tungkulin at responsibilidad ng isang magulang sa kanyang anak matapos maagang mabiyudo.

Dekada 90 ng sumikat si Wowie sa larangang kanyang tinahak sa showbiz. Matatandaan nga na ang tambalan nila ng aktres na si Judy Ann Santos ay naghatid ng kilig sa kanilang mga tagahanga. Maliban naman sa pagiging isang mahusay na aktor, ay kahanga-hanga rin ang talento ni Wowie sa pagdating sa paghataw sa dance floor kung saan ay napabilang siya sa sikat na dance group noon na “Streetboys.”

Ngunit, ang matagumpay na karera ni Wowie sa showbiz ay kanyang iniwan nang magpasyang bumuo ng sariling pamilya. Sa pagsisimula ng kanyang buhay may pamilya, ay ikinasal siya sa kanyang kasintahan na si Sheryl Ann. At ang kanilang masayang pagsasama ay biniyayaan ng isang babaeng anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by wowieDG (@wowskie)

Subalit, ang pangarap na isang masayang pamilya ay agad na nagwakas. Ito nga ay dahil isang buwan pa lamang pagkasilang sa kanilang anak, ay binawian na ng buhay si Sheryl Ann. Noong taong 2014 pumanaw ang asawa ni Wowie, at ang bunga ng kanilang pagmamahalan na noon ay maliit na sanggol pa lamang, ay siya na ang sumalo at umako ng lahat ng responsibilidad.

Tila naman kaybilis nang paglipas ng panahon dahil ang pagsubok na hinarap mag-isa ni Wowie ay kanyang nalampasan. Ngayon nga, ay anim na taon na ang kanyang anak. At masasabi na napalaki niya ito ng maayos at isang mabuting bata.

Sa isang panayam ay ibinahagi ni Wowie ang hirap na kanyang pinagdaanan sa pagtayo bilang single parent sa kanyang anak.

Ayon nga rito, bagama’t napakahirap tanggapin ang maagang pagkawala ng kanyang misis, ay malaki ang kanyang pasasalamat dahil sa kabila ng mga pagsubok, ay wala ring katapusang mga biyaya ang dumating sa buhay nilang mag-ama dahilan upang magawa niyang buhayin mag-isa ang kanyang anak.

“Super, I’m thankful na sobrang daming blessing, especially sa career. Hindi ako masyadong visible sa TV, pero sobra iyong mga trabahong dumarating sa akin bilang isang dancer.”

Ibinahagi naman ni Wowie na magmula ng pumanaw ang kanyang asawa ay nangako siya na hindi niya pababayaan ang kanilang anak. Kaya naman bilang magulang na mahal na mahal ang kanyang anak, ay ginawa niya ang lahat upang mabigyan ito ng magandang buhay. Sa tulong naman ng kanyang mga magulang at in laws, ay naging magaan ang kanyang pagpapalaki sa kanyang anak.

Tunay nga na isang mabuti at responsableng magulang si Wowie sa kanyang anak. Ang kanyang anak kasi ang dahilan ng patuloy niyang pagharap sa mga hamon ng buhay.

error: Content is protected !!