Connect with us

Entertainment

Wowie De Guzman Anim na Taon ng Byudo, Nakaya Maging Isang Ama at Ina sa Kanyang Nag-iisang Anak

Ang tambalang Wowie de Guzman at Judy Ann Santos ay isa sa mga sumikat na tambalan noong 90’s. Isa sa pelikula na kung saan sila naging magkatambal na tumatak talaga sa mga pinoy ay ang Mara Clara. Bukod dito ay madami pa silang ginawang pelikula na magkasama, ngunit, unti-unting nawala ang kanilang tambalan hanggang sa itambal si Judy Ann Santos sa ibang kapwa nya artista.



Matagal ding nawala si Wowie sa industriya ng show business, may balita pa na nagtuturo nalang daw ito ng sayaw na noon pa man ay kinahihiligan nya na talaga. Hangang sa nabalitaan nalang na ikinasal na ito kay Sheryl Ann at nagkaroon ng isang babaeng anak. Sa kasamaang palad ay namatay din agad ang kanyang asawa noong 2014, halos ilang buwan lang ang nakalipas ng maipanganak nito ang babae nilang anak na si Alexandra Rafaelle.

Photo credits: wowskie | Instagram 

Ngayon ay limang taon ng byudo si Wowie at mag-isang nagtataguyod at nag-aalaga sa kanyang anak. Kung matatandaan nyo ay minsan na itong umiyak si Wowie sa isang panayam nya sa ABS-CBN at ayon dito ang anak nalang nya ang nagpapalakas ng kanyang loob.

Photo credits: wowskie | Instagram

Dagdag pa ni Wowie na nagpapasalamat pa din siya dahil kahit papaano ay iniwanan siya ng kanyang asawa ng isang magandang alala sa kataohan ng kanilang anak. Nanghihinayang man siya sa mga pangarap sana nilang mag-asawa para kanilang anak ay nilalakasan nalang nya ang kanyang loob at nagpapakatatag para narin sa kanilang anak.



Sa anak nalang nya siya humuhugot ng lakas para magporsige at tuparin ang mga pangarap nilang mag-asawa kahit na mag-isa nalang siyang tutupad nito para kay Alexandra.

Photo credits: wowskie | Instagram

Sa ngayon ay isa ng lisensyadong mixed fit instructor si Wowie at makikita ang kanyang mga larawan sa facebook account nito. Doon mo din makikita ang mga bonding nila ng kanyang unika iha tulad ng pagsisimba nila, paglalaro sa bahay, pagsakay sa bisikleta at iba pang bagay na makakapagpasaya sa kanilang dalawa. Lahat ginagawa niya para maging mabuting ama sa kanyang minamahal na anak.

Photo credits: wowskie | Instagram

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling ginulat ni Wowie ang mga “madlang people” ng It’s Showtime at ang kanyang mga fans ng sumali ito sa “KapareWho”. Hindi naman maiwasan ng mga tao na kiligin at magtitili sa tuwa ng makita nila kung sinu ang lalaki sa likod ng maskara.



Talaga namang nakakahanga ang pagiging mabuting ama ni Wowie sa kanyang anak, kaya naman kung anu ang dahilan niya kung bakit siya sumali sa KaparehoWho ay dapat nating respituhin dahil tao lang siya at bata pa na pwedeng magmahal muli kung sakali.

error: Content is protected !!