Connect with us

Entertainment

KC Concepcion, Binigyan Ang Kanyang Tagapag-alaga Ng “House And Lot”

Talaga nga namang ang pagkakaroon ng mabuting kalooban ay isang ugaling hindi mawawala sa ating mga Pilipino. Na kahit ang hindi natin kadugo ay handa nating tulungan para sa ikabubuti nila.

Photo Credit: Google Image




Ang aktres na anak ng mga batikang artista na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na si Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion o mas kilala ng nakararami bilang KC Concepcion ay may taglay na mabuting kalooban. Hinahangaan si KC ng mga Pilipino dahil sa kanyang galing at talento sa pag-arte, maging sa kanyang husay sa pag-awit ay marami rin ang humahanga sa kanya. Ngunit, ang aktres rin pala ay may kagandahang-loob na hindi maikakaila, na mas lalong hinangaan sa kanya ng publiko.

Photo Credit: Kc Concepcion Instagram

Ang aktres ay tunay ngang mapagmahal hindi lamang sa kanyang mga magulang kundi maging sa taong nag-alaga sa kanya noong bata pa siya. Sa katunayan, pinatunayan niya ang kanyang pagmamahal sa kanyang tagapag-alaga nang ito’y kanyang niregaluhan ng napakaganda at napakamahal na regalo.

Ang Nanay Lina ni KC ay itinuring niyang hindi na iba sa kanya, kundi itinuring niya itong miyembro ng kanilang pamilya. Dahil maging ang Nanay Lina niyang ito ay ibinuhos ang oras at pagmamahal kay KC upang maalagaan lamang siya noong siya’y maliit na bata pa lamang hanggang ngayo’y siyang malaki na. Kaya naman bilang ganti ni KC sa mahal niyang Nanay Lina, hindi siya nag-atubiling bigyan ito ng bahay at lupa na labis na ikinatuwa ng matanda.

Photo Credit: Kc Concepcion Instagram




Si Nanay Lina ang nag-alaga at nagmahal kay KC simula noong siya’y maliit na bata pa lamang. Ayon sa ilang ulat, dahil ibinuhos ni Nanay Lina ang kanyang oras at panahon sa pag-aalaga sa aktres at paglilingkod nito sa kanyang pamilya ay hindi na ito nakapag-asawa at nakabuo ng sariling pamilya. Kaya naman nang ibahagi ni KC sa kanyang social media account kung gaano siyang nagpapasalamat kay Nanay Lina ay naging emosyonal ang aktres. Kanya ring inilarawan kung gaano niya minamahal ang kanyang Nanay Lina na talagang parang isang tunay na nanay na ang dating sa kanya.

Photo Credit: Google Image

Habang ang ina ni KC na si Sharon ay abala sa kanyang trabaho, sa mga panahong ito ay si Nanay Lina ang nag-aalaga at nag-aasikaso kay KC noong siya’y bata pa na talagang hindi pinapabayaan ang aktres. Ngayo’y malaki na si KC, nananatili parin ang pagmamahal ni Nanay Lina kay KC at walang sawang sumusuporta sa karera at mga proyekto ng aktres. Masayang-masaya si Nanay Lina na makitang maganda at namamayagpag ang takbo ng karera ng kanyang alaga.

Photo Credit: Google Image




Talaga nga namang biniyayaan si Kc ng isang tagapag-alagang kagaya ni Nanay Lina na handang isantabi ang pansariling kapakanan alang-alang sa kanyang mahal na alaga. Tunay rin na napakapalad ni Nanay Lina na magkaroon ng isang alaga na katulad ni KC na handa namang tumanaw ng utang na loob sa taong nagbigay ng panahon at oras upang alagaan siya. Na talagang ipinakita ang tunay na pagmamahal na kung saan ay itinuring na parang tunay na pamilya.

error: Content is protected !!