“Worth the Wait” , KZ, Emosyunal Na Nagkwento Tungkol Sa Kanyang Fiance Na Si TJ

Si Kristine Zhenie Lobrigas Tandingan o mas kilala bilang KZ ay isang sikat na singer at rapper sa Pilipinas. Una siyang sumikat at nakilala nang magwagi sa programang “The X Factor Philippines” noong taong 2012.

Photo Credit: Kz Tandingan Instagram

Nang taong din yun ay nagwagi siya ng isang parangal na “Aliw Award for Best New Artist”. Isa rin siyang miyembro ng Filipino girl group Divas na kinabibilangan nina Yeng Constantino, Kyla at Angeline Quinto.



Kasabay ng pagsibol ng kanyang karera sa larangan ng musika at industriya ng showbiz ay siya ring pagsibol ng kanyang buhay pag-ibig. Bukod sa nabiyayaan siya ng maganda at maayos na karerang patuloy na namamayagpag, maganda rin ang takbo ng kanyang buhay pag-ibig.

Photo Credit: Kz Tandingan Instagram

Kamakailan lamang, sa isang panayam sa programang “Tonight With Boy Abunda” ay hindi niya napigilan ang maging emosyunal nang magkwento tungkol sa buhay pag-ibig ng kanyang fiance na isa ring singer, kaibigan at ngayo’y malapit na nyang mapangasawa na si TJ Monterde.

Ayon sa panayam, sinabi ni KZ na “Worth the Wait” ang kanyang fiance. At masaya rin niyang ibinahagi na maswerte siya rito bilang una niyang kasintahan dahil hindi na niya kailangang dumaan pa ng maraming heart breaks.

“Since first boyfriend ko, parang 23 years old ako nung naging kami so parang I waited 23 long years for this guy. And I’m thankful na God, didn’t allow me to go through a lot of heartbreaks bago ko nahanap si TJ,” aniya. Sabay sabi ni TJ na “You are worth the wait”

Screenshot: ABS-CBN Entertainment Youtube
Screenshot: ABS-CBN Entertainment Youtube

Sobrang dami kong insecurities. Minsan nga, nasusuntok ko na ‘to (TJ) kasi parang joke na talaga kasi sobrang pangit na pangit ako sa sarili ko kapag hindi ako nag-aayos but he always finds away to make me feel na I’m the most beautiful woman in his eyes. Sinasabi niya palagi, ‘Babe youre the most beautiful’ kahit wala akong kilay. Kahit hindi ako nagsusuklay”. pagbabahagi ng aktres.



Bago matapos ang taon, ibinahagi naman ni TJ Monterde sa pamamagitan ng dalawang Instagram post ang tungkol sa kanilang engagement.

Ito ang caption ng nauna niyang post sa Instagram:

“THIRTY ON THIRTY! Thank You, God, for every breath that You’ve given me. Thank You, God, for the balance and harmony. Thank You, God, for the moon, the stars and the sea.”

Photo Credit: Kz Tandingan Instagram

Sinundan naman niya ito ng post kung saan ibinahagi nya ang tungkol sa kanilang engagement. Na nilakipan niya ng caption na:

“And thank You, God for my wife to be”, kung saan sinamahan rin niya ng masayang larawan nilang dalawa nang magpropose siya.



Maraming netizens ang naging masaya sa kanilang post dahil matapos ang mahabang panahon ay masasabi talagang “worth the wait” ang paghihintay sa kanyang tunay na pag-ibig.