Connect with us

Entertainment

“Wonderful mom and the best wife to a pasaway husband”: Billy Crawford, Proud na Proud sa kanyang Asawang si Coleen Garcia sa Pagiging Breastfeeding Mom Nito sa Kanilang Anak

Ang mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia ay ikinasal noong 2018, at pagsapit ng September 10, 2020 ay masaya nilang sinalubong ang pagdating ng kanilang panganay na anak na si Baby Amari.

Credits: Coleen Garcia | Instagram

Marami na ang nagpatunay na hindi madali ang pagiging isang ina. Magmula sa pag-aalaga ng sanggol hanggang sa pagpapadede ay talaga namang kailangan ng matinding tiyaga, kaakibat rin nito ang pagod at puyat.

Kasabay naman ng paglaki ng sanggol ay malaki ring kunsumo ng gatas mula sa ina ang kinakailangan. Kung kaya’t kailangan ng isang ina na kumain ng mga masustansiyang pagkain para sapat rin ang makuhang sustansiya ng sanggol. Maliban rito, ay hirap rin ang isang breastfeeding mom, dahil walang pinipiling oras ang pagdede ng isang sanggol.

At gaya nga ng maraming breastfeeding mom, ay ginagawa ng lahat ng celebrity mom na si Coleen Garcia ang kanyang makakaya para mapadede ng maayos ang kanyang anak na si Amari gaano man ito kahirap.

Credits: Billy Crawford | Instagram

Kaya naman, ang asawa ni Coleen na si Billy Crawford, ay talaga namang proud na proud sa kanyang asawa bilang ina ng kanilang anak. Bilang ina nga ng kanilang anak na si Baby Amari ay walang masabi si Billy pagdating sa pag-aalaga sa kanilang anak dahil talagang napakahands-on na nanay ni Coleen.

Hindi rin biro ang sakripisyo ni Coleen lalo na bilang isang breastfeeding mom kay Baby Amari, at pati na rin sa pagiging ilaw ng kanilang tahanan. Kaya naman, isa na namang appreciation post para kay Coleen ang ibinahagi ni Billy sa Instagram para makita ng madla kung gaano kahands-on si Coleen bilang isang ina, isang napakabuti at mapagmahal na ina at asawa.

Credits: Coleen Garcia | Instagram

Makikita sa kanyang post, ang litrato ni Coleen kung saan nga ay nakatulog na ito habang pinapadede ang kanilang napakacute na baby boy na si Baby Amari.

Ayon naman kay Billy, ang dahilan kung bakit niya ibinahagi sa social ang larawan ni Coleen kung saan nagpapakita ng matindi nitong sakripisyo, ay para raw makita ito ni Baby Amari kapag malaki na.

Credits: Coleen Garcia | Instagram

“Y’all don’t know how much this woman gives! I want Amari to see this when he grows up and realize how much mommy sacrificed for him.”

Pinasalamatan rin ni Billy si Coleen sa pagiging mabuti nitong ina sa kanilang panganay, at asawa sa tulad niyang pasaway na mister.

“We both thank you mommy for being a wonderful mom and the best wife to a pasaway husband! Stay healthy and safe everyone! God be with us all!”

Samantala, matatandaan naman na minsang nang ibinahagi ni Coleen sa kanyang mga tagahanga ang hirap na nararanasan sa kanyang breastfeeding journey. At dahil nga hindi biro ang maging isang ina, ay talagang matindi rin ang paghanga ni Coleen sa tulad niyang jna na ginagawa ang lahat para sa kanilang anak.

Credits: Billy Crawford | Instagram

“Breastfeeding has been a huge part of our journey. We started with Amari having the hardest time latching, and me crying often out of frustration and discomfort.”

“It hasn’t been an easy ride, but hey they’re totally right when they say it gets better! I used to hate it, but I kept pushing on cause I was determined to see it through.”

“Now, I love this part of our relationship so much, and I see it as such an honor and a blessing.”

Credits: Coleen Garcia | Instagram

“I get the best view in the world when he looks me in the eyes, especially when he decides to smile or laugh, or blow milk all over our faces.”

“It makes me laugh, too, when he tries to eat his foot at the same time, or when half of his body stands and starts bouncing while feeding in bed, and even when he stops mid-feed to stare at my nipple and pinch it.”

“I wouldn’t trade this for anything, even though he has five painful teeth. Hay, gotta love little boys right?”

“Sending my love to all Mamas out there. Regardless of how you choose to feed your baby, you are doing an incredible job.”

error: Content is protected !!