Connect with us

Uncategorized

Willlie Revillame Ipinakilala sa Kanyang Programa na “Tutok To Win” ang Kanyang TAGAPAGMANA at Tanging Lalaking Anak na Si Juamee

Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Willie Revillame o sa tunay na buhay ay si Wilfredo Buendia Revillame? Isa lang naman siya sa mga pinakatanyag na personalidad sa mundo ng telebisyon, sapagkat maliban sa pagiging isa niyang komedyanteng aktor, ay isa rin siya sa mga pinaka-mahuhusay na television host, singer at songwriter.

Katulad ng ilang mga personalidad sa showbiz ay hindi rin lumaki na may gintong kutsara si Willie, dahil bago niya marating ang marangya at magandang buhay na tinatamasa niya ngayon ay naranasan niya muna ang kahirapan ng buhay sapagkat siya’y lumaki sa hirap.

Samantala, narating ni Willie ang buhay na tinatamasa niya ngayon dahil sa kanyang kasipagan, determinasyon at dedikasyon na matupad ang pangarap niya sa buhay. Sa ngayon ay hindi maikakaila na isa na siya sa mga mayayamang personalidad sa mundo ng showbiz, na nagmamay-ari ng iba’t ibang mga ari-arian.

Kaugnay naman sa usapin na ito ng mga ari-arian ng sikat na television host, kamakailan lamang ay ipinakilala na ni Willie sa publiko ang kanyang TAGAPAGMANA, ang pinakamamahal niyang bunsong anak at tanging anak na lalaki na si Juamee Revillame.

Si Juamee Revillame ay ang nag-iisang anak na lalaki ni Willie, at ito ay bunso din niyang anak. Ang ina ni Juamee ay ang dating asawa ni Willie na si Liz Almoro, kung saan ang kanilang kasal na mag-asawa ay napawalang bisa matapos na magsampa ng petisyon sa korte ni Liz.

Ipinakilala ni Willie ang anak niyang si Juamee sa publiko sa segment ng programa niyang Wowowin na “Tutok To Win.”

“At siyempre ang aking bunso, ang nag-iisa kong anak na lalaki. Si Juamee Revillame”, ang naging banggit ni Willie sa naging pagpapakilala niya kay Juamee sa publiko.

Ayon sa ulat, sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng dating misis ni Willie na si Liz Almoro ang anak nilang si Juamee, ngunit malaya namang nakikita at nakakasama ng television host ang kanyang bunsong anak, dahil hindi naman ipinagdadamot sa kanya ng dating asawa ang bisitahin at makasama niya ang kanilang anak.

Maliban kay Juamee ay mayroon pang ibang anak si Willie at ito naman ay ang tatlo niyang anak na babae na sina Meryll Soriano, Louise Anne at Marimonte na ang mga ina ay mga nakarelasyon niya noon.

Ang panganay na anak ni Willie na si Meryll ay kilala sa mundo ng showbiz bilang isang aktres, at ito ang tanging anak ni Willie na sumunod sa yapak niya na pasukin ang pag-aartista.

Kahit naman iba’t iba ang ina ng kanyang apat na anak, minsan ng nabanggit ni Willie na sinigurado na niya umano ang lahat ng pangangailangan ng kanyang mga anak, lalo na ang mga bagay na alam niyang kakailanganin ng mga ito sa future.

error: Content is protected !!