Connect with us

Entertainment

Willie Revillame, Proud na Ibinahagi na Isa na Siyang Ganap na Lisensyadong Piloto na Kanyang Magagamit Para Maghatid ng Tulong sa mga Nangangailangan

“Kuya Wil”, isang pangalan na tinitingala at hinahangaan ng marami dahil sa kanyang kabutihang loob. Siya lang naman si Willie Revillame, ang kilala at sikat na TV host na sarili niyang programa na Wowowin na mapapanood sa GMA Network.




Maliban nga sa paghahatid ng saya sa mga manonood, ay kakaiba ring kaligayahan ang hatid ni Kuya Wil sa mga taong natutulungan sa kanyang programa. Mapa-bata man o matanda ay tinutupad ni Kuya Wil ang kahilingan ng mga ito. Kaya naman, hindi maikakaila na talagang mahal siya ng sambayanang Pilipino.

Photo credits: Wowowin | Youtube

Samantala, lingid naman sa kaalaman ng marami, maliban sa kanyang pagtulong na makikita sa sariling programa, ay tumutulong rin si Kuya Wil sa mga taong nangangailangan ng wala sa harap ng camera. Kapag nga may sakuna o anumang trahedyang hindi inaasahan ay kabilang si Kuya Wil sa mga taong agad na sumasaklolo gamit ang pera sa sarili niyang bulsa. Talaga namang kahanga-hanga ang kabutihan ni Kuya Wil na kahit saanmang dako ng bansa ay kanyang aabotan ng tulong.

Ngunit, sa kabila naman ng pagiging abala sa buhay ni Kuya Wil bilang host at sa iba pang bagay, ay isa rin pala siyang mahusay na piloto. Hindi nga naging hadlang kay Kuya Wil, ang pagiging abala sa trabaho at pagtulong sa kapwa upang paglaanan niya ng oras ang pagpapalipad ng helicopter.

Photo credits: Wowowin | Youtube

Bago nga makabisado at maging mahusay na piloto, ayon kay Kuya Wil ay dumaan muna siya sa 40 hours of Ground schooling upang matutunan ang pagpapalipad ng chopper. Tiniyak rin ni Kuya Wil na bago siya sumalang sa pagpapalipad ay nasa maayos na kalagayan ang kanyang kalusugan at isa siyang lisensyadong piloto. At isa nga sa nasubukan niyang paandarin at paliparin sa tulong at gabay ng mga professional pilots ay ang R66 Robinson Chopper.




Samantala, ang pagiging piloto ay nagustuhan ni Kuya Wil dahil sa humanitarian reason. Dahil nga, likas na kay Kuya Wil ang pagiging matulungin, ay malaking tulong sa kanya ang pagiging lisensyadong piloto upang agad na makarating sa mga lugar na kanyang pagkakalooban ng tulong.

Photo credits: Wowowin | Youtube

Katulad na lamang nga ng maghatid siya ng tulong sa ating mga kababayan sa Catanduanes kung saan ay nagawa niyang makarating sa lugar sa loob ng 2 oras at 20 minutong pagpapalipad.

Pagbabahagi naman ni Kuya Wil, ay maaga pa lamang, sa ganap ng alas-5 ng umaga, ay nasa helipad na siya ng Wil Tower upang magpalipad at suyurin ang lungsod, ang isa sa naging libangan niya. Labis naman ang pasasalamat ni Kuya Wil sa mga taong tumulong at gumabay sa kanya upang maging isang mahusay na piloto na kanyang na-eenjoy at nagagamit rin upang mamahagi ng tulong sa kapwa.

error: Content is protected !!