Connect with us

Entertainment

Willie Revillame, Binigyan ng Pag-asa ang Pamilya ng mga Naapektuhan ng Bagyong Odette sa Siargao Matapos Magbigay ng P9 Milyon

Ang kilalang TV host at komedyante na si Willie Revillame ay isa nga sa mga may mabuting puso na hindi nagsasawang maghatid ng tulong sa mga nangangailagan. Sa kanyang programang Wowowin ay ilang ulit na ngang nasaksihan ng publiko ang kanyang pagtulong hindi lamang sa mga contestant, kundi pati narin sa iba pang nangangailangan ng tulong gaya na lamang nga ng biktima ng bagyo at sakuna.

At kamakailan lamang nga, ay muling ipinamalas ni Willie o kilala rin bilang si Kuya Wil ang taglay na kabutihan ng kanyang puso. Ito nga ay matapos niyang bigyan ng pag-asa ang mga pamilya na naapektuhan ng bagyong Odette sa Siargao.

Isa ang Siargao sa mga lugar na tinamaan ng matinding pinsala kung saan nga ay nangangailangan ng pagkain, tubig at iba pang gamit. Marami rin ang nawalan ng tirahan at ang ilan nga ay makikitang nakahiga na lamang kung saan. Dahil sa kalunos-lunos na sinapit ng residente ng Siargao, ay hindi nagdalawang isip si Kuya Wil na magbigay ng tulong.

Photo credits: google.com

Sa programang 24 Oras, ay naiulat ang personal na pagtungo ni Kuya Wil sa Siargao upang bisitahin ang mga residente doon na biktima ng matinding pinsala na dulot ng bagyong Odette. At ayon nga sa ulat ng 24 Oras, ay maglalabas ng sariling pera si Kuya Wil na nagkakahalaga ng P9 Milyon para mabigyan ng ayuda ang siyam na bayan ng Siargao na napinsala ng bagyong Odette.

Photo credits: google.com

Ayon nga kay Kuya Wil, sa kabila ng matinding hirap na naranasan ng mga taga-Siargao bago sumapit ang araw ng Pasko, ay nais niyang maging masaya ang mga ito sa pamamagitan ng kanyang munting tulong.

“Nagbigay na ako ng personal kong pera sa siyam na mayors, tig-PhP1 million. Sabi ko, bubong at pagkain ang kailangan, so ‘yun muna. So, bukas… uuwi ako ngayon para ma-withdraw ‘yung pera, mapirmahan ko ‘yung tseke, para bukas, dadalhin dito ‘yung PhP9 million, kasi gusto ko itong Pasko meron silang makakain.”

Photo credits: google.com

Habang abala naman si Kuya Wil sa pamamahagi ng tulong sa Siargao, ay humalili naman sa kanyang sa paghohost ang komedyante at director na si Michael V kung saan nga ay naghost siya ng Wowowin bilang si Kuya Wowie.

At nitong Miyerkules lamang sa episode ng Wowowin, habang nag-hohost si Michael V, ay hindi nito maitago ang labis na paghanga kay Kuya Wil sa kabutihang loob nito na hindi nagsasawang tumulong sa mga nangangailangan.

“Si Kuya Will lumipad papuntang Mindanao para maghatid ng tulong sa mga kababayan natin nasalanta ng Bagyong Odette. Kaya palakpakan natin si Kuya Will.”

error: Content is protected !!