Connect with us

Entertainment

‘Welcome to Toro de Palacio’: Sikat Na Vlogger Na Si Toni Fowler, Ipinasilip Ang Napakaganda at Napakalawak Na Mansyon Na Kanilang Magiging Bagong Tahanan

Bago matapos ang taong 2021, ay isang napakagandang biyaya ang nakamit sa buhay ng sikat na vlogger na si Toni Fowler. At ito nga ang bagong mansyon na magsisilbing bagong tahanan ng Toro family.

Photo credits to the owner

Sinurpresa nga ni Mommy Oni ang kanyang milyon-milyong tagahanga nang ibunyag niya ang bagong mansyon na kanilang magiging tahanan na pinangalanang “Toro de Palacio”. Isa nga itong napakagandang biyaya na dapat ipagpasalamat kaya naman isinama ni Mommy Oni ang kanyang mga tagahanga sa kanyang pa-house sa napakaganda at napakalawak na mansyon.

Photo credits to the owner

Sa isang vlog na mapapanood sa kanyang sariling YouTube channel na may 6.47 million subscribers ay ipinasilip niya ang ganda at lawak ng Toro de Palacio. Ibinahagi ni Mommy Oni na ngayong taon nila balak lumipat sa nasabing bahay matapos ang kunting pag-aayos dito.

 

Masaya namang ibinahagi ng sikat na vlogger na ang mansyon ay may malawak na parking space at malawak rin ang espasyo sa loob ng mismo ng mansyon. Hindi nga maitago ni Mommy Oni ang kanyang excitement sa nalalapit nilang paglipat sa napakaganda at napakalawak na mansyon.

Photo credits to the owner

Kahanga-hanga naman ang hagdan paakyat sa 2nd floor dahil yari ito sa magandang disenyo ng marble. Maliban dito, ay ipinagmalaki rin ng sikat na vlogger na ang bawat sulok ng bahay ay may “floor-mounted airconditioning unit”. Pagbabahagi naman ni Mommy Oni ay plano niyang gawing dance studio ang malawak na living area para sa kanila ng kanyang anak na si Tyronia na kanilang magagamit sa tuwing gumagawa sila ng dance cover.

Photo credits to the owner

Samantala, pagsapit naman sa dining area kung saan makikita ang 10-seater dining table, ay naikwento niya ang sitwasyon ng kanyang pamilya sa tuwing kumakain sila sa dating bahay. Ayon nga kay Mommy Oni, dahil maliit ang kanilang dining area noon, ay hindi sila sabay-sabay kumain. Kaya naman ngayon na malawak at talagang malaki na ang lamesa na kanilang pagsasaluhan tuwing kakain, ay tiyak na magiging masaya ang bawat salo-salo na nagsisilbi rin nilang bonding moments.

“Kasi sa Toro home, sa dami namin dun, batch by batch (kumain). Ganun yung ganap kasi hindi kami kasya kaya yung iba nakatayo. Pero minsan pinipilit namin, may nakaupo sa lapag, may nasa kusina. Siyempre mas masaya yung sabay sabay kayong kumakain. At dito ako magpapa-meeting pag badtrip si Mommy Oni. Feeling ko ito ang magiging bonding namin ng aking pamilya, ng Toro family. Kasi lagi kaming nag-ba-bonding pag kumakain eh. Sa sobrang busy namin, pag kumakain kami dun na lang kami nakakapag-bonding.”

Photo credits to the owner

Masaya ring ibinahagi ni Mommy Oni na ang mansiyon ay may sarili ring swimming pool. At ito nga ay labis na ikinatuwa ng kanyang anak na si Tyronia dahil matagal na nitong pangarap ang magkaroon ng swimming pool sa kanilang bahay.

Samantala, habang naglilibot ay naikwento rin ni Mommy Oni na mas magiging komportable at masaya ang kanyang buong pamilya sa paninirahan sa isang malawak at malaking bahay. Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami na ang Toro family ay sama-samang naninirahan sa isang bahay. Kaya naman, kailangan talaga nila ng malaking bahay kung saan sila malayang makakagalaw, lalo na nga’t may maliliit na bata rin silang kasama sa bahay.

Photo credits to the owner

“Sana masaya kayo para sa amin ng Toro family. Sobrang saya ko kasi sa bahay na ito mas malaki, mas malaki yung gagalawan at tatakbuhan ng mga bata at siyempre ng mga aso din namin. At pag mag-iingay kami wala ng magrereklamo na maingay kami. Kasi sa condo alam niyo naman magkakadikit kaya medyo nahirapan din kami maging tahimik lalo na sa gabi at pag madaling araw. Minsan kasi may mga biglaang pranks kami alam niyo naman,”saad ni Mommy Oni.

Sa pagsalubong nga ng taong 2022, ay sa Toro de Palacio na nga nila ipinagdiwang ang bagong taon kung saan nga ay nagkaroon sila ng masayang selebrasyon at nag-enjoy rin sila sa panonood ng makukulay na fireworks.

error: Content is protected !!