Connect with us

Entertainment

Wedding Pictorial Sa Sabungan, Kinagiliwan Ng Publiko

Ang kasal ay isang sagradong seremonya para sa dalawang taong nagmamahalan kaya naman nais nating mairaos ito ng masaya at mapayapa.

Screenshot: Missjuliet Sacay Lagahit Facebook Video




Hindi rin biro ang paghahandang ginagawa sa okasyon na ito kaya naman talagang pinag-iipunan ito upang may magamit sa mga kinakailangan, bukod sa malaking halagang kailangan ay pinaglalaanan rin ito ng oras at panahon upang maging maayos ang lahat.

Screenshot: Missjuliet Sacay Lagahit Facebook Video

Marami na tayong nasaksihang mga magagarbo at engrandeng kasalan sa iba’t ibang lugar, maging ang mga sikat na artista ay hindi rin nagpapahuli sa pagkakaroon ng bonggang kasalan. May ala-fairy tale na tema ng kasal, may eco-friendly na kasalan at may simpleng kasalan naman para sa mga taong nais lang na maging tahimik at masaya ang pag-iisang dibdib.

Screenshot: Missjuliet Sacay Lagahit Facebook Video




Ngunit sa panahon natin ngayon, may ilan na mas pinipili na lamang ang simple ngunit masayang kasalan dahil ang higit na mas mahalaga ay ang tunay na pag-ibig para isa’t isa ng magkasintahan kesa sa magarbo at malaking gastos ng salapi sa kasal.

Sa panahon natin ngayon, patok na patok rin ang pagkakaroon ng mga photoshoot na kung saan ay talagang pinag-iisipang mabuti ang tema at materyales upang maging maganda ang kalalabasan ng mga larawan. Ngunit, sino ang mag-aakala na ang sabong na karaniwang kinahihiligan ng mga kalalakihan at siya namang kinaiinisan ng mga kababaihan ay magiging tema sa wedding pictorial ng bagong kasal.

Screenshot: Missjuliet Sacay Lagahit Facebook Video

Ang nakakatuwang ideya na wedding pictorial sa sabungan ay talagang pinagkaguluhan ng publiko na talagang umagaw ng kanilang atensyon.

Screenshot: Missjuliet Sacay Lagahit Facebook Video




Inulan ng samu’t saring komento at reaksyon mula sa publiko ang wedding pictorial ng bagong kasal kaya agad itong nagviral sa social media. Ang viral video na ito ay kuha sa Nadongholan Cockpit sa bayan ng Ormoc. Nakilala naman ang bagong kasal na sina Harvey at Rose Ann na mula sa Ormoc City sa Eastern Visayas.

Screenshot: Missjuliet Sacay Lagahit Facebook Video

Talaga ngang kakaiba ang kanilang simple ngunit masayang wedding pictorial na ginanap sa sabungan. Ang nakagawian nating dalawang kalapating puti na pinaghahalik ay naging mga manok panabong. Makikita naman na abala ang buong team sa pag-cover sa photoshoot ng bagong kasal sa loob ng sabungan. Samantala, kitang-kita naman sa mukha ng mga bagong kasal ang tuwa at saya, maging ang pag-ibig nila sa isa’t isa sa bawat kuha ng larawan ay masisilayan.

Screenshot: Missjuliet Sacay Lagahit Facebook Video




Marami ang nagtaka kung bakit sa loob ng sabungan ginawa ang kanilang wedding pictorial sa halip na sa magagandang lugar, ngunit mas marami naman ang natuwa at kinagiliwan ang ideyang ito na patok naman sa publiko lalo na sa mga lalaki na mahilig magsabong.

Sa mga ganitong pagkakataon talaga lumalabas ang pagiging malikhain ng mga Pinoy, na talagang nakakapagbigay ng saya sa iba pang tao.

Nadongholan cockpit

Posted by Missjuliet Sacay Lagahit on Monday, 9 March 2020

error: Content is protected !!