“Wedding In-Time Of Covid-19”: Sarah Lahbati At Richard Gutierrez, Sinurpresa Ang Lahat Sa Kanilang Simpleng Kasal

Marami na nga ang nakaabang sa kasalang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ngayong buwan ng Marso, ngunit kasabay nito ay ang pagkakaroon naman ng suliranin ng bansang Pilipinas sa kumakalat na virus na COVID-19, kaya naman dalawang araw palang ang nakakalipas nang inanunsyo ng dalawa na hindi muna matutuloy ang kanilang pag-iisang dibdib bilang pagsunod sa panukala ng pamahalaan upang makaiwas sa sakit.

Photo Credit: Team Pat Dy Instagram




Ngunit nitong araw lamang ng ika-14 ng Marso, ay sinurpresa ng magkapareha ang publiko dahil ang kanilang pag-iisang dibdib ay wala na talagang makakapigil pa at ito nga ay natuloy sa gitna ng panahon ng pakikipagsalaparan ng bansa sa virus. Dahil na rin sa mga alintuntuning dapat sundin para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, ang inaasahang magarbong kasalan ay nauwi na lamang sa isang simpleng kasalan na ginanap sa Bonifacio Hall sa Shangri-La the Fort.

Photo Credit: Team Pat Dy Instagram

Sa Instagram ng photographer na si Pat Dy, na siyang kumuha ng mga larawan sa pag-iisang dibdib nina Sarah at Richard, makikita na sumunod naman ang kanilang mga pamilya at mga bisita sa tamang social distancing guidelines habang dinaraos ang seremonya ng kasal.

Photo Credit: Team Pat Dy Instagram




Makikita na talagang kanilang nilimitahan ang mga taong dadalo sa kasal upang masunod ang pinatupad na alituntunin ng pamahalaan, naglaan sila ng sapat na espasyo sa bawat taong naroon. Nagbigay rin sila ng kanya-kanyang upuan sa mga bisita at miyembro ng kanilang pamilya.

Photo Credit: Team Pat Dy Instagram

Ang mga magulang nina Sarah at Richard ay masayang sinuportahan ang kasal ng kanilang mga anak. Maging ang kambal ni Richard na si Raymond at ate niya na si Ruffa ay naroon rin upang suportahan ang kanilang pag-iisang dibdib. Ngunit, kapansin-pansin sa mga larawan na wala sa naturang okasyon ang anak nina Sarah at Richard na sina Zion at Kai.

Photo Credit: Team Pat Dy Instagram




Samantala, sa Instagram naman ng bagong kasal ay nagbahagi sila ng ilang mga larawan na kuha sa venue ng kanilang kasal. Makikita sa bawat larawan na bagama’t simple, ay masaya naman ang dalawa dahil ang kanilang pag-iisang dibdib ay natuloy pa rin. Masisilayan rin sa bawat larawan ang kanilang wagas na pagmamahalan.

Photo Credit: Richard Gutierrez Instagram

Ang Instagram post ay pinasimulan ng caption na:

“I have you. And it’s enough. It’s everything”

Pinasalamatan rin ng bagong kasal sa caption ng post ang mga taong nasa likod ng kanilang matagumpay na pag-iisang dibdib. Kabilang nga rito si Judge Bernard Bernal na isang executive judge mula sa RTC Taguig branch na siyang nagkasal sa dalawa upang magkaroon ng civil rites.

Photo Credit: Team Pat Dy Instagram




Masasabi rin na ang naganap na kasalan ay Christian Wedding dahil kabilang sa mga taong kanilang pinasalamatan ay si Pastor John Ong. Maging ang iba pang taong naging instrumento at tumulong upang maging mapayapa at sagrado ang kanilang matagumpay na pag-iisang dibdib ay kanila ring pinasalamatan.

Photo Credit: Team Pat Dy Instagram

Sa huling bahagi naman ng caption, nag-iwan pa ng mensahe ang mga ito upang mag-ingat at magmahalan ang bawat-isa, na kung saan ay sinabi na:

“Lord, heal the world… Let’s spread love and kindness.❤
Stay safe, everyone!!!? #thistooshallpass
Sending love and light to all❤